Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Singer-actress Nikki Bacolod is open to sexy roles but not ready yet

"Pagpapa-sexy? Parang malabo yata. Hindi ako solve sa ganoong idea, pero I might consider that in the future. Ayoko lang kasing magsalita nang patapos. Open ang mind ko tungkol diyan. But for now, huwag na muna," says Nikki Bacolod.

Author: Archie de Calma


Natawa ang young singer-actress na si Nikki Bacolod nang usisain namin ang sinasabing napipintong pagpapa-sexy niya. Gusto lang malaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaction ng young star na kasama sa cast ng Dyosa, ang pinakabagong fantaserye sa ABS-CBN.

         

"Pagpapa-sexy? Parang malabo yata," tanggi niya. "Hindi ako solve sa ganoong idea, pero I might consider that in the future. Ayoko lang kasing magsalita nang patapos. Open ang mind ko tungkol diyan. But for now, huwag na muna."

         

Masasabi lang niyang medyo mature na ang projection niya sa Dyosa dahil may pagka-kontrabida ang role niya, pero hindi raw ito dahilan ito para magpa-sexy siya.

         

"I play the role of Diana, who's the daugher of Magayon [Jaclyn Jose] and Bernardo Carpio [Matthew Mendoza]. All this time, akala ko, ako yung 'takda.' Kokoronahan na sana ako, and here comes Bacchus [Epi Quizon], saying na buhay ang anak ni Mariang Sinukuan [Mickey Ferriols], at buhay ang totoong 'takda' [Anne Curtis].

         

"Nagalit ako, kasi nilinlang pala ako ng mother ko. Naging evil ako rito at nagalit din ako kay Anne sa takbo ng istorya," kuwento ng dalaga tungkol sa role niya.

         

Magiging mortal din siya sa istorya at hahanapin niya ang tunay na Dyosang 'takda' para patayin niya.

         

Nabanggit din namin kay Nikki ang pagpapa-sexy dahil ang isa pang Viva talent na si Rachelle Ann Go ay walang takot na nagpa-sexy sa Blackout denim and underwear show ng Bench, na super-short shorts ang suot at kakapiranggot na shirt.

         

"Hindi ko napanood, kaya hindi ako makakapag-comment," sabi ni Nikki. "For now, definitely, I won't follow suit kumbaga. Pero kasi, depende rin po 'yan sa image.

         

"Si Ate Rachelle kasi, she's more into rock na rin, a bit daring talaga, so okay yun. Young and free ang image ko, kaya hindi pa talaga time for me to do something like that. Pero hindi ko isinasara ang mind ko na in the future, puwede kong gawin, as I have been saying."         

Ipinaglaban daw ni Direk Wenn Deramas si Nikki para sa partisipasyon nito sa Dyosa dahil nang idirek nito ang young singer-actress sa Ang Cute ng Ina Mo, napaka-thankless ng role na napunta rito, na wala na halos lines.

         

"Direk Wenn has his reasons why ipinaglaban niya ako sa Dyosa, at doon sa movie, kung bakit ganoon lang ang exposure ko. Hindi naman po ako nagreklamo. Ang iniisip ko lang, thankful pa rin ako kay Direk, kasi naisip niya ako for this project. Gusto nga ng iba, from Star Magic na yung para sa role, pero ipinaglaban ako ni Direk Wenn.

          

"Dream role ko ito, yung magkontrabida. Ever since, hindi ako nag-ilusyon na magbibida ako because I know, puwede akong mag-excel as a contravida. Kung bibigyan din ako ng chance na magbida, why not?

          

"Ang sa akin lang, masaya ako because I have this chance to really work with big stars, and most of them, magagaling na artista pa. One big opportunity that I don't have to miss," saad ni Nikki.

Source: Philippine Entertainment Portal