Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Singer-actress, magaspang ang ugali!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

Next year na magpapa-ultra sound si Jaya upang malaman kung babae o lalaki ang next baby nila ni Gary. Three months pa lang kasi ang tiyan ni Jaya, kaya hindi pa raw malalaman agad-agad ng gender ng nito.

But one thing is sure. Tuloy pa rin sa pagka­yod si Jaya na siya niyang ginawa hanggang nu'ng eight months na ang pa­nga­nay niyang si Sabriya.

Excited si Jaya sa nabili nilang bagong bahay na lilipatan nila next year.
***

Nag-fall out of love pala ang actor kaya humiwalay na ito sa girlfriend niyang singer and occasional actress. So, walang katotohanan ang tsismis na may babaing iba ang actor kaya nagtapos ang relasyon niya sa girlfriend.

Pero, may nasagap kaming tsismis na hindi lang ang pagkawala ng pag-ibig ang dahilan ng split up. Ang kagaspa­ngan din daw ng ugali ng singer-actress ang isa sa dahilan?

Pinatotohanan din ang pangit na ugali ng babae ng mga nakasama niya sa isang TV program. Feeling sikat daw kasi ang drama ni si­nger-actress at kung isnabin niya ang mga co-artists sa show ay grabe, huh!

So, huwag daw magmalaki ang singer-actress na may breeding siya dahil sa totoo lang, kapos din siya sa aspetong ito ng kanyang pagkatao, huh!

“Looks can be deceiving!” sabi nga sa amin ng dating kasamahan sa show ng singer-actress.
***

Malalantad na kung katotohanan o kasinu­ngalingan ang mga intrigang ibinabato ngayon kay Marian Rivera na may dalawang entries this filmfest, ang Desperadas 2 at Shake, Rattle & Roll X. Siya kasi ang isasalang sa Don't Lie To Me! segment ng Showbiz Central.

Live ding mapapanood ang Iskul Bukol leads na sina Tito, Vic and Joey.

Bukod kina TVJ at Marian, join din this Sunday sa SC sina Iza Calzado, Katrina Halili, Jennylyn Mercado at Diana Zubiri.
***

Mapangahas ang Versus na video ng dalawang studs na sina Paolo Rivero at Paolo Serrano na gawa ng Videoflick Productions.

Sa dalawang Paolo, atrak­syon ang pagpayag ni Serrano na gawin ang eksenang nakiki­paghalikan at nakikipaglampu­ngan sa kapwa niya lalaki.

Pag-iinitin at pagpapawisan ang mano­nood ng video lalo na sa romansahan ng da­lawa sa masikip na banyo, huh! Ang tagal kaya ng eksena nilang 'yon!

Pero sa dalawa, mas mapusok si Rivero sa isang eksena dahil pinasilip talaga niya ang ala­gang si “Junjun,” huh!

Kung daks ba o dyutay si “Junjun” ni Rivero, ay, buy kayo ng Versus video upang malaman ninyo ang sagot! Ha! Ha! Ha!

Source: Abante