|
|
| Singer-comedienne, dating BF 'nagtampisaw' sa resortAuthor: Joey Sarmiento THE other day ay kumalat ang blind item na isang female singer-comedienne ang nakitang nagtatampisaw sa isang resort kasama ang nakabalikan niyang dyowang composer. Sabi pa ng clue, nakaka-fear factor daw ang girl na ito kaya hindi na raw kailangan pang magdagdag ng clue. Nakatsikahan namin sa birthday ni Raffy Tulfo ang said singer-comedienne na nakaka-fear factor ang da-ting BF pero tahasan ni-yang itinanggi ang blind item na 'yon. Titigan daw namin ang kanyang kulay na nakasisilaw sa puti. Imposibleng siya raw 'yon dahil kung siya 'yon, dapat daw ay umitim siya kahit na paano. Pero teka? Nagkabalikan nga ba ta-laga sila ng composer na 'yon? Ano kamo, Kuya Butch? * * * NAKATANGGAP pala ng mamahaling Rolex watch at kotse ang sexy celebrity from Kapamilya network galing sa isang mataas na executive ng Malacañang. Hanep din naman talaga kung magpasiklab si Malacañang boy dahil bukod sa kotse and Rolex, limpak-limpak din kung magbigay ng datung ang mamang ito sa seksing celebrity from Channel 2. Kung sabagay, sulit naman ang lahat dahil bukod sa bata pa ang seksing celebrity na ito, survivor din ito kaya puwede na. Kung sino ang female celebrity? Jaaaanaaraaan... Hindi namin sasabihin, he-he-he! * * * PARA sa mga motoristang laging dumaraan sa EDSA, siguradong pamilyar na sila sa billboards nina Kuya Boy Abunda at Joel Cruz na laging magkasama dahil business partner sila sa isang produkto. Kaya lang, may nagpara-ting sa amin na medyo nagtampo raw si Joel nang hindi nagpunta si Kuya Boy sa kanyang birthday party na ginanap sa Toys Café sa Lancaster Hotel. Sabi sa amin, itsinika na raw ni Joel sa kanyang mga amiga na present sa kanyang party ang pag-appear ni Kuya Boy pero sad to say, hindi nga nakarating ang host ng The Buzz. Sigurado naman kami na may matinding reason si Kuya Boy kung bakit hindi siya nakapunta sa birthday party ni Joel Cruz. Isa pa, kahit wala ru'n ang presence ni Kuya Boy, sigurado naman kami na present du'n ang amoy ni Boy Abunda, he-he-he! * * * MARAMI siguro sa boys na loyal viewers ng TV5 ang nakapansin na nawala na sa ere ang Toyz TV na nagpi-feature ng maiinit na tsiks at maiinit na topics na gustung-gusto namin. Hindi na siguro dapat mainip ang mga manyak, este, ang boys na loyal sa Toyz TV dahil magbabalik na ito sa ere soon, pero sa ibang bahay dahil lumipat na sila sa Studio 23. Sabi nga ng Toyz TV producer na si Mel Ma-casaquit, napaganda raw ang lahat bukod sa dumami ang kanilang loyal viewers, may chance pa silang mapanood worldwide dahil sa TFC ng Studio 23. Si Jennifer Lee ang host ng Toyz TV. And we can attest na talagang napaka-hot ng prog-ramang ito na nagpi-feature din ng gadgets and accessories ng mga kotse. Pero kapag nagkakaroon na ng female models na sinusundan ng camera at unti-unti nang nag-ii-strip, nakuw, talagang mawawala ang antok mo kapag nanood ka ng Toyz TV. Kaya, boys, abangan n'yo na sa Studio 23 ang Toyz TV na incidentally, ay may counterpart din na Toyz Bar sa Lancaster Hotel sa Shaw Boulevard na may waitresses na super hot at seksing-seksi. For reactions, please e-mail mediatouch2000 @yahoo. com. Source: Taliba |