|
|
| Singsing na Bulgari, ipina-raffle ni Greta!Author: Mercy Lejarde MALAKAS ang bulung-bulungan sa showbiz na diumano'y may alitan ngayon sina Cherry Pie Picache at ang direktor na si Dante Brillante Mendoza dahil hindi raw nabayaran ang mga TF ng aktres sa mga ginawa nitong indie film. Quotation for the day. .. "ang utang ay daan ng pag-aaway at paglilimutan ng dating magkaibigan," tsuk! * * * UNA nang napabalita na si Vic Sotto ang magiging host ng ibabalik na game show na Who Wants to be a Millionaire? sa TV5. Pero ano itong nasagap namin na wala ang namesung ni Bossing Vic sa pinagpipilian ngayon ng TV5 management at ang mga kasama lang sa listahan ay ang mga pangalan nina Jomari Yllana, Ryan Agoncillo, Richard Gomez at Gabby Concepcion? Isa raw yata sa mga ito ang magiging bagong host ng Who Wants to be a Millionaire? sa TV5 Abangan. * * * WALA naman kaming masabi kay Gretchen Barretto sa pa-preskon ng Star Records para sa kanyang second album na Complicated. During the Q&A portion, in between ay kumakanta-kanta ito at palakad-lakad. At nang katinyawan kung ano ang ipamimigay niya matapos magpa-raffle ng kanyang Oscar de la Renta sandals nu'ng Christmas party ng TV5, ang sagot niya: Ang kanyang singsing na Bulgari. Too bad, 'yung mga may-ari ng nabunot na numbers ay nakaalis na. Kaya ang nangyari, ginibsung na lang niya kay Manay Chit Ramos ang singsing worth P25,000 or more. Pero, hindi raw 'yon puwedeng isanla o ibenta kasi may nakalagay na namesung niya. Oo nga naman, baka sabihing ninakaw pa kay La Greta, 'noh? Kaya ang lucky Chit Ramos ay pupuwede lang gawing souvenir o puwede rin namang ipabura ang namesung ni La Greta, devah naman, mga syobis baklita? 'Yon na! "Naku, sa grand launch at concert ko sa Teatrino soon, hindi na ako magsusuot ng sapatos at alahas. Hahaha!" birong sey ni La Greta. Hindi raw siya nagbibibigay o nagpapa-raffle ng cash dahil malas 'yon. Ganu'n? Okay din sa palusot ang lola mo, Ian F. , ha! O baka naman sadyang hindi siya liquid tulad ni Kris Aquino? Inintriga raw talaga, o! * * * WALA naman kaming ma-sey sa cover ng isyu ng Maxim kung saan hubo't hubad sina Mocca at Hersey. Girl to girl power ang tema ng mag cover and Mocca admitted na bixesual exhibitionist siya. * * * MATAGAL nang artista si Carmi Martin at halos kasabayan namin siyang pumasok sa showbiz. Nu'ng una, may pagka-ham actress itech, lalo na sa mga sexy-sexy role noon. Pero napansin namin na habang tumatagal ay nagiging convincing ang acting ng Carmi sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, in fairness. Siya ang gumaganap na masungit, arogante at mapangmatang ina ni Homer (Dingdong Dantes). Pinangangatawan din niya ang pagiging kontrabida kay Proserfina (Marian Rivera). Keep up the good work, Carmi! Source: People's Tonight |