Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sino kina Marian, Karylle ang 'di pa naghihilom ang sugat sa puso?

Author: People's Taliba
Column: Eksenadora

MAY trabaho si Maja Salvador sa mismong Araw ng mga Puso. Wala raw siyang date pero, hindi raw ito ang kanyang pinuproblema.

Sa press launch ng Sisters Sanitary Napkin and Pantyliners kung sa-an si Maja ang newest endorser ng produkto, sinabi ng aktres, bisi-bi-sihan daw siya sa Va-lentintine's Day.

Ayon pa kay Maja, naniniwala siyang mahu-say ang quality ng Sisters at hindi ka ilalagay sa alanganin kahit malakas ang period mo.

Muling nabuhay ang tungkol sa kanila ni Ray-ver Cruz. Tinanong si Maja kung okey lang sa kanya na siya ang ka-love team ng binata, pero si Sarah Geronimo naman pala ang tinitibok ng puso nito?

Aniya, basta't sa ikaliligaya nina Sarah at Rayver, walang problema sa kanya.

"Siyempre po, gusto ko lang ng the best para sa dalawang taong malalapit sa akin, 'di ba?"

Agad namang pinabulaanan ni Maja ang intri-gang may kumpetisyon sa pagitan nila ni Sarah at silang dalawa diuma-no ang pinagtatapat ngayon.

"Wala naman pong ganun. Masaya ako sa kung ano man ang me-ron si Ate Sarah nga-yon. Sinasabi ko nga po na ako ang nagturo sa kanyang kumanta," pagbibiro ni Maja.

Nagkaroon ng pag-kakataon na maging close sina Maja at Sarah noong ginagawa nila ang Pangarap na Bitu-in. Magkapatid sila roon, kaya hanggang ngayon ay napanatili nila ang closeness.

In short, hindi apektado si Maja kung mag-kadebelopan man sina Rayver at Sarah.

Dahil kaya sa may iba nang mahal si Maja?

Sa totoo lang, masu-werte si Maja dahil hindi siya pinababayaan ng home studio niya. Nari-yan ang isang malaking teleseryeng nakatakda niyang gawin kasama sina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino. Tapos may pelikula rin si-yang ginagawa under Star Cinema with Rayver and Shaina Magdayao. Horror ito at isang magandang multo ang kanyang ga-gampanan dito.

Naniniwala si Maja na pa-na-panahon lang ang lahat, pero sa ngayon, blessed na si Maja kumpara sa ibang wala talagang proyekto.

* * *

BAKIT kaya hanggang ngayon hindi pa rin tu-mitigil ang pag-uugnay kay Karylle kina Dingdong Dantes at Marian Rivera?

Ilan din ang nakapan-sin na tuwing may bago kay Karylle, lagi itong iki-nukumpara kay Marian. Ito namang si Marian, wa-la ring tigil sa kaka-react sa mga intriga sa kanila ni Karylle.

Sino kaya ang hindi pa nakapag- move on sa dalawa? Sino sa kanila ang may malalim pang pains sa puso dahil sa naunsyaming pag-ibig?

Action speaks louder than words.

* * *

ANO naman kaya ang masasabi ni Rayver Cruz na wagi siya sa pogi points kung ito lang ang pag-uusapan.

Walang ibang ha-ngad si Maja kundi ang maganda at makakapag-pasaya kay Rayver, si-yempre ganoon din si Sarah.

Kahit sabihin pa ng magandang singer na hindi siya kinikilig, kitang-kita ang kaligayahan sa mga mata niya 'pag si Rayver ang to-pic.

Kung sabagay, guwapo, talented at mabait si Rayver. No wonder, may kakaibang charm ang binata, at ka-hit ang isang malaking bituin na tulad ni Sarah ay napahanga niya.

Source: Taliba