|
|
| Siyete, nagpa-Misa para sa 'Darna'Author: Nitz Miralles SA location sa Barangay Tungko, San Jose del Monte, Bulacan ginawa ang thanksgiving mass para sa successful pilot week ng Darna, na dinaluhan ng buong staff, crew at cast sa pangunguna nina Marian Rivera at Direk Dominic Zapata. Dumalo sa Mass, na officiated ni Fr. Dennis Espejo, sina Lilybeth Rasonable, AVP for Drama at supervising producer, at Redgie Magno, senior program manager ng series. Masayang-masaya si Marian sa mataas na ratings at magandang feedback sa Darna at inulit na namang team effort ito at hindi lang siya ang dapat i-congratulate. Kagabi ang unang labas niya as Darna, ano ang feeling sa una niyang paglipad? "Excited ako, ang sarap ng feeling. Malaki ang pasasalamat ko na nag-training ako dahil ayos ang landing ko. Hindi na rin ako conscious 'pag naka-costume, na-overcome ko 'yon sa launching nang maramdaman kong hindi na ako nahihiya. Sa pictorial, nahiya pa ako. " Tsika pa ni Marian, dahil kumportable na siya sa costume, naglalakad siyang naka-costume at nagru-robe lang 'pag ipinaaalala sa kanyang magru-robe siya. Ito rin ang paalala ng rumored boyfriend na si Dingdong Dantes sa kanya, na mukhang nakalimutan ng dalaga. Kagabi rin pala ang presscon ng sitcom nila ni Manny Pacquiao na Show Me Da Manny, na pilot sa August 23, at bukas, presscon ng Tarot, na showing sa Aug. 26. Susunod dito ang birthday party ni Marian na bigay ng Regal Entertainment. "Kabaligtaran ng Darna ang sitcom, sobrang tapang, sobrang kalog at walang kinatatakutan. Horror naman ang Tarot at talagang matatakot ka. Masaya ako na iba't ibang project ang nagagawa ko," ani Marian. * * * NAGLALAGARE si Eugene Domingo sa pagpo-promote ng launching movie niyang Kimmy Dora sa ABS-CBN at GMA-7. Last Sunday, nasa ASAP siya para ipaalala sa viewers na showing na sa September 2 ang movie. Produced ito ng Spring Films nina Piolo Pascual, Eric Raymundo, cinematographer Shayne Sarte at Bb. Joyce Bernal, na director din ng pelikula. "Overjoyed at overwhelmed" si Eugene na siya ang lead star sa first offering ng production company na mula sa script ni Chris Martinez. Big factor din na si Dingdong ang leading man niya at sinamahan pa nina Zanjoe Marudo, Miriam Quiambao, Ariel Ureta, Baron Geisler at Gabby Eigenmann at may cameo role rin si Regine. "Sa mga nagtatanong kung napi-pressure ako sa showing ng Kimmy Dora? Hindi, dahil maraming sumusuporta at maraming tumutulong. Feel ko ang suporta mula sa director, producer, sa leading man ko at lahat ng artista na nakikihalo sa amin," wika ni Eugene. * * * SA Adik Sa 'Yo ngayong gabi, magugulat si Aurora (Chanda Romero) nang makita si Karen (Jennica Garcia) sa mansion ni Fatima (Eugene Domingo) bilang kasambahay. Sasabihin niya ito kay Stella (Beth Oropera), kaya susugod ito sa mansion para hanapin ang anak. Darating si James (Wendell Ramos) sa mansion with his parents para mamanhikan kay Joana (Jolina Magdangal). Parating din si Carlos (Marvin Agustin) with his mom at mamamanhikan din sila. Source: People's Tonight |