|
|
| Snooky Serna nambato!Author: Vinia Vivar Bati na nga ang mag-amang Mat Ranillo III at Krista Ranillo, pero mukhang ang susunod naman nilang pag-aawayan ay ang pagpo-pose nang sexy ng huli bilang cover girl ng FHM August issue. Ayon sa source, nakunan na ang sexy pictorial ni Krista at sobrang daring talaga ang dalaga. Wala raw sinabi ang sexy publicity photos niya sa Paupahan. Ayon pa sa aming source, kumukuha pa ng tiyempo si Krista para sabihin sa ama ang tungkol sa FHM cover. Matatandaang nabanggit na ito noon ni Joey de Leon nang kapanayamin niya sa telepono si Mat pero mukhang hindi nagustuhan ng aktor ang narinig kaya pinigilan ni Krista ang TV host. "Siyempre, one at a time muna, tumitiyempo pa si Krista lalo na ngayon, kababati lang nila," say ng source. Samantala, mukhang okay na nga ang mag-ama dahil kahapon, namataan silang mag-anak sa Gateway na nagla-lunch at siguro, para i-check na rin ang resulta ng Paupahan, na nagbukas sa mga piling sinehan, including Gateway cinemas. * * * Tungkol pa rin sa Paupahan, gumawa pala ng eksena si Snooky Serna habang nagmo-motorcade ang buong cast sa Pampanga noong Lunes. Ayon sa aming source, bigla na lang nilang nakita ang aktres na binato ng cellphone sa mukha ang kanyang PA na lalaki. Hindi lang sure ang source namin kung ano ang ikinagalit ni Snooky sa PA, pero ayon sa umiikot na tsismis, nagselos ang aktres sa guy. Tinanong namin ang aming source kung may relasyon ba si Snooky sa guy, pero say ng aming kausap, hindi niya alam dahil nang tanungin daw nila ang aktres, ang sabi raw nito ay wala at PA lang niya ito. Well, anuman ang totoo sa kuwentong ito, hayaan na lang natin na si Snooky ang magklaro. * * * NGAYONG Sabado na, July 5, 7:30 p. m. , ang advance screening ng Kambyo na idinirehe ng tinaguriang hari ng gay-themed movies na si Direk Jay Altarejos sa U. P. Film Institute sa Diliman. Ang pelikulang ito ay ang follow-up ni Direk Jay at ng scriptwriter na si Lex Bonife sa dalawang nauna nilang obra, ang box-office champions at critically acclaimed na Ang Lalaki sa Parola at Ang Lihim ni Antonio. Tulad ng Parola at Antonio, inaasahang hindi mabibitin ang mga dadalo ng nasabing "Director's Cut" screening sa dami ng nudity at sex-love scenes ng Kambyo, dahil uncut version nga ang ipalalabas sa gabing 'yon. Pero, inamin din ni Direk Jay na hindi kasing bigat at lalim ng nauna niyang dalawang pelikula ang tema ng Kambyo. "Mas light ito, pero mas engrossing at sizzling ang love scenes dito," paniniguro ni Direk Jay. "At mas maraming kalalakihan ang mapapanood dito compared to the first two movies," pahabol pa niya. Produced ng Digital Viva at BeyondtheBox, ang Kambyo ay pinagbibidahan nina Harold Macasero, Gabz del Rosario, Johnron Tanada, Ray An Dulay at Kenjie Garcia ng Ang Lihim ni Antonio fame. Para sa mga gustong makauna sa pag-"kambyo," tumawag na sa U. P. Film Institute (926-3640) at hanapin si Nonoy Lauzon para makapagpa-reserve ng tickets. Sa mga hindi naman makakapunta sa special screening, abangan na lang ang regular showing ng Kambyo sa Robinsons Galleria, Robinsons Ermita at Robinsons Metro East simula July 9. Source: People's Tonight |