| | Sol Aragones shares she is inspired by her fellow ABS-CBN broadcasters Author: Dominic Rea It has already been a year since Anthony Taberna,Atom Araullo at Sol Aragones began to brave the streets and immerse in the lives of people they meet to unveil the many faces of the society on Kalye: Mga Kuwento ng Lansangan on ABS-CBN Channel 2. Sa kanilang pang-isang taong anibersaryo, Kalye is set to expose more realities of life. " Ang bilis nung isang taon para sa akin at halos hindi ko namalayan na anniversary na pala namin. The whole year of working and research para sa show namin ay punong-puno ng pagod at paghihirap in every episode na ginagawa namin simula September of 2008 hanggang ngayon. Pressure and tension will always be there but we always see to it that 'yung mga pagod at hirap namin ay lalabas na maganda para sa televiewers. Yun 'yung fullfilment namin bilang mga hosts nung show ang makitang more and more people did appreciate our work," mahabang bungad pa sa ABS-CBN.com ni Sol Aragones nang amin itong makausap. Sol singled out the episode she did tungkol sa Black Nazarene ng Quiapo out of the 53 episodes they did for the show. Instead of watching from afar, Sol put herself in a devotee's shoes and almost put her life in danger. " Ay grabe 'yung experience ko na 'yun! Uncontrollable na kasi 'yung mga tao that time. Nagkakagulo na ang tao at halos wala ka ng marinig kundi 'yung ingay ng taong gustong maka-paypay man lang nung dala-dala nilang panyo, 'yung mahawakan man lang ang Nazareno. Hanggang sa kinakailangan ko ng lundagin ang isang gutter para lang mai-save ko ang sarili ko dahil nagkakatulakan na. Sabi nung kasama ko, kailangan kong gawin 'yun kaysa naman baka kung ano pang mangyari sa amin that time. But we were able to show just how devoted some Filipinos are to the Nazarene. That was so far ang unforgettable episode na ginawa ko and the experience itself, grabe," Sol exclaimed. Sa loob ng halos sampung taon na niyang pagtatrabaho sa bakuran ng ABS-CBN News and Current Affairs, naging diretsahan si Sol Aragones sa pagsasabing she's very happy that at last ay nagkaroon siya ng isang show na nagtagal ng isang taon. "Very thankful ako sa ABS-CBN family ko sa News and Current Affairs, especially sa TV Patrol na siya talagang gumawa sa akin bilang si Sol Aragones ngayon and the fact na nakatrabaho kong mga naglalakihang anchors natin for news, like Ted Failon, Korina, Ces Drilon, Pinky Webb, and Sheryl Cosim na parang naging mentor ko na rin kasi from the very start, parang sister ko na rin siya. Laging nandiyan ang advices niya and everything," kwento pa ni Sol. Sa mga achievements niya ngayon sa kanyang career bilang isa sa mga competitive news reporters/hosts ng ABS-CBN, kanino niya naman ito kini-credit? "Of course sa family ko. Sa parents ko, sa asawa at anak ko. My daughter's name is Anika Sampelo at sa husband kong si Paolo Sampelo." Itinanong din naming kay Sol kung ano na ang kanyang mga naipundar at wishes for her future? " Naipundar? Nakapagpatayo na rin ako ng maliit na bahay sa aming probinsiya, may konting ipon na rin ako for the future. Ang dami ko pang gustong gawin sa career ko at sa pribadong buhay ko like 'yung pinapangarap kong maging isang host ng isang public service show, 'yung makakapag-reach-out ako. Ewan ko, kasi sa probinsiya namin, every December talaga, sa bahay, sa amin, namimigay talaga akong groceries sa mga mahihirap din sa amin, nandoon 'yung dream o challenge sa akin eh. Gustong-gusto ko 'yung ganoong show rin. Yun ang wini-wish ko sa aking career. Kasi sa amin bilang isang news anchor or media person, parang 'yun na siguro 'yung pinaka-peak nung career mo, ang makapag-lingkod sa ating kapwa," pagtatapos ni Sol, na graduate ng BS Development Communication, Major in Community Development sa University of the Philippines sa Los Baños, Laguna. Source: ABS-CBN Interactive |
|