|
|
| Sole Survivor JC Tiuseco ka-level na nina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes at JC de VeraAuthor: Joferd Nievera UMUTANG na ang napabalitang 'nawawalang' Bb. Pilipinas-World na si Janina San Miguel. Nitong Sabado siya muling nagpakita sa publiko, binigyang-linaw ni-ya ang kanyang pag-at-ras sa nasabing pageant. Ang kanya pa ring lo-lang namatay at naramdamang depresyon ang idinahilan niya kaya siya nag-resign bilang kinata-wan sana ng bansa sa Miss World. Hindi na bago ang dahilan niyang ito. Alam ng marami na mayroon pang mas matinding reason, pero hindi niya ibinunyag ito, at igiginalang na-man 'yon ng media. Ang masaklap nga lang, kung anuman ang maselan at very personal na dahilan niya sa pag-ayaw na i-represent ang Pilipinas sa Miss World pageant, hindi na mare-resolve 'yon at natural hindi magagawan ng hakbang para magamot. Pero may pinagsisihan kaya si Janina sa desisyong ito? "Hindi ako nanghihinayang dahil nakuha ko naman ang pinaka-major. Nakatulong din ang napanalunan kong vacation trip with my fa-mily kaya nawala agad ang aking depression," pahayag ng Bb. Pilipinas - Miss World. Ang pag-aartista ka-ya, may balak bang pasu-kin ni Janina? "Hindi! Sa modeling na lang ako at next year I will pursue my studies," aniya. * * * STAR material ang kauna-unahang Pinoy Sole Survivor ng Survivor: Philippines na si JC Tiuseco. Katunayan, siya nga-yon ang ba-gong tinitili-an ng kababa-ihan sa Kapuso network. Kahit ba-go pa lang sa larangan ng showbiz, na-agaw kaagad ni JC ang atensyon ng mga tsisks kaya kahilera na kaagad siya nina Dingdong Dan-tes, Richard Gutierrez at JC de Vera na pinag-kakaguluhan ng mga Eba. Sabi nga nila, baka si-ya ang susunod na hottest male star ng GMA-7, lalo't guwapo siya, mabait at matalino. Ang ikinakadismaya lang ng mga bebot kay JC ay may girlfriend na ito sa katauhan ni Veronica na kanyang schoolmate sa San Sebastian College . Hindi na nakapagtataka kung habulin ng tsiks ang winner ng Survivor Philippines dahil varsity player din siya sa Baste. Si Heart Evangelista kaya na type na type ma-ging leading lady ni JC sa teleserye, nadismaya rin kaya dahil may syota na ang Pinoy Sole Survivor? Tatlong milyon ang napanalunan ni JC sa nasa-bing reality sports ng Si-yete matapos ni-yang talunin sa boto si Rob. * * * DISMAYADO si QC Ma-jority Floor Leader Atty. Ariel Inton sa isang ko-lumnistang si Elinando B. Cinco ng Manila Bulletin dahil binigyan nito ng ibang kahulugan ang ipi-nahayag ng konsehal hinggil sa ilalagay na kar-nabal ngayong Kapakushan sa Quezon Memorial Circle. Sinabi ng Konsehal na walang karapatan si Cinco na husgahan siya lalo't hindi naman nito kilala ang kanyang buong pagkatao. Gayunman, mas minahalaga pa rin ani Inton na mabigyan ang mamama-yan ng Lungsod Quezon ng kaligayahan ngayong Kapaskuhan. At gayundin, hindi siya nagpapaapekto sa maling pananaw ng kolumnista. Source: Taliba |