Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'Somewhere' nina Daboy at LT, gagawin nina Dingdong at Marian

Author: Nitz Miralles

PATI sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay nagulat nang mapanood ang pilot episode ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, dahil hindi ini-expect na ganu'n ka-sensual lalabas ang kissing pati bed scene nila.

Nagsikuhan ang dalawa lalo na sa shower scene ng actor dahil nag-react ang mga reporter nang ipakita ang hubad niyang katawan mula ulo hanggang pusod.

Ito na ang most daring role ng actor at mapapanood agad sa February 2.

Marunong mag-saxophone ang role ni Dingdong as Homer at nag-undergo siya ng three sessions from a band member para tama ang paghawak sa instrument at pagpapatunog dito.

At least, mukhang marunong talaga siyang mag-sax sa mga eksena niya.

Samantala, ibinalita ni Dingdong na mapapanood na sa Feb. 9 sa AXN Channel sa cable ang The Duke. Ito 'yung show na pinuntahan pa siya rito ng Singaporean host para interbyuhin.

Si Dingdong ang featured sa pilot episode at guest sa susunod na episodes sina Jet Li at Jacky Chan at iba pang Asian superstars.

"Isang karangalan na mapili akong mag-represent sa bansa natin at ginawa ko ang lahat para hindi mapahiya ang bansa natin," sabi ni Dingdong.

* * *

NAKAUSAP namin si Direk Calo J. Caparas sa presscon ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang at hindi siya papayag na maging last project na nina Marian at Dingdong ang soap na mula sa panulat niya.

May next project na siya para sa dalawa at ito'y ang TV remake ng Somewhere, ang pelikulang pinagtambalan nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez.

Bagay na bagay daw sa dalawa ang project na nabili na rin ng GMA-7 ang rights.

Nasa Channel 7 na rin ang Ayaw Matulog ang Gabi at gusto ni Direk na si Mark Anthony Fernandez ang magbida nito't si Rudy ang bida nito sa pelikula.

Tinatapos din niya ang story para kay Jackie Rice na gusto ni Direk Carlo ang pagka-inosente.

Ibinuking ni Direk na may crush ang anak niyang si CJ kay Marian at nang tanungin ng press kung papayag siyang mag-artista kung ang actress ang kasama, "oo" agad ang sagot nito.

Lalo itong humanga sa actress sa narinig sa ama na seksi na'y magaling pang actress si Marian at walang off bawat bitaw ng dialogue.

Mag-aabot ang Ang Babaing... at Totoy Bato na sinulat din ni Direk Carlo at tuwang-tuwa ito sa teaser kung saan kasama siya.

Natawa kami sa ibig sabihin sa pagturo niya sa kanyang relos. Malaswa lang, 'di namin isinulat.

* * *

PURING-PURI ni Luis Manzano si Roxanne Guinoo, ang pag-aagawan nila ni Sid Lucero sa Flash Bomba.

Malayo na raw ang narating nito, super blooming ang career at hindi na nila kailangang turuan pa ng acting dahil magaling na itong actress.

"It's nice to see her, dati mini-mentor namin siya, ngayon, magka-loveteam na kami. Nag-request siya na magkaroon kami ng kissing scene rito," pagbibiro ni Luis.

Sa Feb. 7 ang pilot ng Flash Bomba at sa Feb. 23 naman magsisimulang mapanood ang Florinda, kung saan kasama rin sa cast si Roxanne.

Limited ang airing nito't three weeks lang, but for three weeks, sa dalawang show siya mapapanood.

* * *

NAGPASALAMAT si Paolo Contis sa mga unang kinausap ng GMA-7 to host My Dad is Better Than Your Dad at tumanggi dahil sa kanya napunta ang project.

Hindi na nag-audition ang actor, siya na talaga ang pinili at dahil ito sa good work niya in hosting World Records.

Sa Feb. 8 na magsisimula ang My Dad..., na bukod sa P100,000 weekly prize, ang bonding ng mag-ama na kasali ang mapapanood.

Family affair ito't kasama rin ang mga mommy para mag-cheer sa kanyang mag-ama. Mahirap, pero enjoy si Paolo rito.

Sabi pala ni Palo, hindi nabawasan ang appeal niya sa girls kahit engaged na siya't mas natsa-challenge raw ang girls.

Nilinaw din nitong hindi sila nag-iiwasan ng ex niyang si Isabel Oli, hindi lang sila nagkikita.

"Great woman" ang tawag niya rito, pati na sa fiancée na si Lian Paz.

* * *

SA Kakasa Ka Ba Sa Grade 5?, ang bigating si Dondi Alentajan uli ang sasabak sa pagsagot ng jackpot question.

Pero hirap siya sa Sibika at Kultura at copy na lang ang natitirang cheat niya. Makarating kaya siya sa P1-million question o sa kangkungan magtapos?

Second player ang freelance writer na si Crystal Joy Rebulas.

Sino kaya sa dalawang bigatin ang mag-uuwi ng malaking pera?

Manood every Saturday sa GMA-7, hosted by Janno Gibbs.

Source: People's Tonight