|
|
| Sosyal na mikropono, regalo ni Regine kay OgieAuthor: Nitz Miralles Birthday kahapon ni Ogie Alcasid at tsika nito nang ma-interview namin sa set ng Spoiled Brat movie nila ni Michael V. , wala siyang big party at magdi-dinner lang sila ng kanyang family. Isang sosyal na pre-amplifier microphone na in-order sa States ang gift sa kanya ni Regine Velasquez, pero 'di pa dumarating at siya ang um-order. Ang Love Me Tender ni Elvis Presley ang song ni Ogie kay Regine, favorite nila ang And I Love You So na dapat kasama sa gagawin nilang album na may title na The Love Story. Isa sa tracks ng album ang Where Do I Begin? at songs related to their love story. Anyway, nanghihinayang si Ogie na 'di aabot ang soundtrack sa movie nila ni Michael dahil sa September 23 o 30 na ang playdate. Malay natin at magkaroon ng part two ang movie na dinidirek ni Mike Tuviera dahil marami pang puwedeng puntahan ang istorya nito. Samantala bukas, simula na ng Celebrity Duets 3 na sina Ogie at Regine ang hosts. Gusto ni Ogie ang batch ng contestants ngayon, pero bilib siya kay Nonito Donaire Jr. na very humble at kahit puyat at namamaga ang kamao, walang reklamo sa taping. * * * Isama kaya sa launching ng Starstruck V ang announcement ng hosts ng reality show? Balitang sina Dingdong Dantes at Raymond Gutierrez pa rin ang male hosts at si Carla Abellana ang female host. Dalawa na ang magiging regular show ng dalaga dahil mahaba pa ang tatakbuhin ng Rosalinda. Talent sa hosting naman ang ipakikita ng dalaga sa viewers. Samantala sa Rosalinda mamaya, ipahuhuli ni Valeria (Sheryl Cruz) sa DSWD si Rosalinda, 'di ito nagpahuli at umakyat ng building at nabalita 'yon sa TV. Nahuli si Fernando Jose ng over-speeding sa pagmamadaling iligtas ang kanyang mag-ina. Habang nasa taas ng building, babarilin ni Valeria si Rosalinda, mahuhulog ito na 'di alam kung saan ang tama ng baril. * * * Sa Darna, blinak-mail ni Roma (Nadine Samonte) si Impi na 'pag pinatay si Gabriel (Alfred Vargas), magpapakamatay din siya. Pupuntahan naman ni Valentina (Iwa Moto) si Eduardo (Mark Anthony Fernandez) at aaminin ng binata na si Narda pa rin ang mahal niya. Dinala nina Roma at Narda si Gabriel sa hospital at magiging close ang dalawa. Ikinuwento ni Roma ang sikreto niya kay Narda. Makaka-engkuwentro ni Darna si Shiro sa isang bank robbery at madadaplisan ng bala ng baril ang super heroine. * * * Hindi katakatakang mag-number one sa box-office ang sci-fi movie na District 9 dahil very engaging at kaabang-abang ang mga susunod na eksena. Kesehodang 'di kilala ang mga artista at alien pa nga ang mga bida, enjoy pa rin ang tao. Gusto namin ang batang alien na magaling sa computer at napalipad ang space ship nila. Produced ni Peter Jackson, director ng Lord of the Rings trilogy, ang movie. Source: People's Tonight |