Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Speedboat, balak i-park ni Richard sa bahay

Author: Nitz Miralles

Namigay ng relief goods sa evacuation center sa Marikina City sina Cristine Reyes at Richard Gutierrez after the thanksgiving presscon kahapon.

Kasama nila ang mga taga-GMA at Viva Films, co-producers ng Patient X (with Richard's very own RGutz Productions), at sumama rin si Annabelle Rama.

Incidentally, na-report sa international news, gaya ng Fox News, Gulf News in UAE, New York Times at Yahoo Canada, ang pagre-rescue ni Richard kay Cristine noong bagyong Ondoy.

Nabasa rin namin ang tungkol dito sa Yahoo halaw sa Associated Press report ni Jim Gomez.

Ang title sa Yahoo ay Filipino Actor Saves Real-Life Damsel in Distress.

Ang speed boat na ginamit ni Richard sa pagre-rescue kay Cristine ay six months nang 'di nagagamit, kaya natagalan silang i-start.

Dahil sa nangyari, balak ni Richard na dalhin na rito at i-park sa bahay nila sa Makati City ang speedboat at jetski, na naka-park sa Subic.

Pinasasalamatan din ni Richard ang ini-endorse niyang Emperador at Globe, na nag-donate ng P1 million each sa GMA Kapuso Foundation, at Flawless, na nagbigay ng 80 sacks of rice.

* * *

Tinulungan nina Dennis Trillo, John Fier at Antonio Aquitania si Dingdong Dantes sa pamimigay ng relief goods sa biktima ng bagyo through the Tindig Pinoy Laban Kay Ondoy Relief Center.

Ginawa ito sa covered court sa tabi ng barangay hall ng Manggahan, Pasig, noong Martes.

Kasama niya rito ang Yes Pinoy staff at volunteers in cooperation with Pasig City NGOs, 3rd Technical Service Battalion ng Philippine Marines.

Nag-donate rin ng relief goods ang fans ni Dingdong na tumulong ding mag-distribute nito.

Samantala, sa Stairway to Heaven ng GMA-7, sasabihin ni Eunice (Glaiza de Castro) kay Tristan (TJ Trinidad) na 'di puwedeng magkita sina Cholo (Dingdong) at Jodi (Rhian Ramos).

Pababa ng elevator si Cholo, makikita niya si Jodi at hahabulin hanggang sa sasakyan ng jeep.

Ibang babae ang mahahablot ni Cholo at 'di alam na nasa likod niya si Jodi na naawa sa kanya.

Maikukuwento ni Jodi kay Badet (Karen delos Reyes) ang nangyari at nakuwento rin ni Cholo kina Enrico at Zoila (Sandy Andolong) na buhay si Jodi, pero ayaw siyang paniwalaan.

* * *

Balik-acting si Jay-R sa 3 Bachelors episode ng Dear Friend, na second episode na sa Sunday.

Kapareha niya rito si Kyla, na kasama niya sa soap ng GMA-7 six years ago at isa ang dalaga kung bakit agad niyang tinanggap agad ang DF.

At least daw, hindi lang sa pagkanta sa SOP sila mapapanood ng kanilang fans.

Ang isa pang nagpapa-excite kay Jay-R ay ang pagpu-front act niya kay Dionne Warwick sa October 2 concert nito sa Araneta Coliseum.

Six songs ang kakantahin niya at magdu-duet sila ng That's What Friends are For.

Ang ganda pala ng ngiti ni Jay-R 'pag tinatanong kay Krissa Mae at obvious na sila na. Mabait daw ang dalaga at may chemistry sila dahil pareho silang bulol at payag siya kung sasali ito ng beauty pageant at susuportahan niya.

* * *

Sa Rosalinda mamaya, magpapatawag ng presscon si Alex (Jomari Yllana) at i-a-announce ang engagement nila ni Paloma/Rosalinda (Carla Abellana).

Magugulat si Fernando Jose (Geoff Eigenman) at susugurin si Paloma/Rosalinda at sa galit, mahahalikan niya.

Mare-realize nitong pareho ang halik nina Paloma at Rosalinda at 'di siya papayag na mapunta ito kay Alex. Kikidnapin ni FJ si Paloma/Rosalinda.

Susugurin at aawayin ni Evangelina (Jessa Zaragoza) si Soledad (Glydel Mercado) nang malamang pamangkin nito ang nobyo ng anak.

Malalaman din ni Evangelina na si Soledad ang tunay na asawa ni Alfredo (Ariel Rivera) at siya ay kabit lamang.

* * *

May special treat ang TV5 sa cooking show nilang How 'Bout My Place Tonight, 11:30 p. m. mamaya. dahil may cooking demo at magsi-share ng special recipes ng Asian noodles si Judy Ann Santos.

Kasama niya ang dalawa sa best chefs sa metro na sina Chef Fernando Aracama at Chef Jon Cu-Unjieng.

Hindi lang artista si Judy Ann, budding professional ched din siya dahil may Culinary degree mula sa Center for Asia Culinary Studies, nag-take ng course in International Cuisine sa Thailand at tumanggap ng Certificate of Competency galing sa TESDA.

Source: People's Tonight