|
|
| 'Spiderman', ginawang katawa-tawaAuthor: Abante EKSPERTO sa pang-i-spoof ang producer na si David Zucker. Katunayan, nagawa niyang i-spoof ang pelikulang Airplane, sa mga pelikulang The Naked Gun at Scary Movie 3 at 4. Ngayon, ginawa naman niyang katawa-tawa ang mga superhero na tulad nina Spiderman, Batman, X-Men, Superman, at marami pang iba, sa pelikulang Superhero Movie, na dinirek ni Craig Mazin. Sa pelikula, nagbago ang katauhan ni Rick Riker nang makagat siya ng genetically altered dragonfly. Naging matigas ang kanyang balat at lumakas ang kanyang katawan. Dito nagsimula ang paglaban niya sa kasamaan, sa pangunguna ni Hourglass. Bida sa Superhero Movie sina Drake Bell, Sara Paxton, Christopher McDonald, Leslie Nielsen at Pamela Anderson. Sa April 16 na ipalalabas ito sa Pilipinas at Amerika. Source: Abante |