Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Staff ng 'Buzz,' inusisa ni Karylle sa bulaklak ni Christian

Staff ng 'Buzz,' inusisa ni Karylle sa bulaklak ni Christian

Author: Eric John Salut
Column: Ripples

NA-surprise si Karylle sa ipinadalang bouquet of flowers ni Christian Bautista sa The Buzz noong Linggo.

Bago natapos ang interview ni Boy Abunda kay Karylle, in-announce nitong may flowers na padala ang isang admirer ni Karylle.

Ang sabi, galing 'yon sa isang nagngangalang "Tony. "

Tony ang name ng character played by Christian sa musical na pinagsamahan nila ni Karylle, ang West Side Story.

Matapos ang interview, tinanong ni Karylle ang isang staff ng The Buzz if the flowers indeed came from Christian. Kinumpirma naman ng staff na galing nga ang bulaklak kay Christian.

Dumarami ang admirers ni Karylle from the day na in-announce niyang it's over between her and Dingdong Dantes.

Unang nagparamdam sa dalaga ni Zsa Zsa Padilla si Jericho Rosales. Inamin ni Jericho sa ilang malalapit na tao na gusto niyang ligawan si Karylle.

Magandang nagtapos ang 2008 ng dalaga. At maganda rin niya itong sisimulan. Naka-line-up na ang iba't ibang projects niya sa ABS-CBN. Bukod sa ASAP '09, nasa cast din siya ng Maruja, na pagbibidahan ni Kristine Hermosa.

Iri-release rin this year ang album niya under Universal Records.

With all these blessings coming her way, there's no room for bitterness sa puso ni Karylle sa pagkawala ni Dingdong.

Idagdag pa na dumarami ang kanyang admirers.

* * *

MAY bagong lalaking papasok sa I Love Betty La Fea.

Meaning, may karagdagang leading man si Bea Alonzo bukod kay John Lloyd Cruz. Ongoing ang selection ng production team kung sino ang gaganap na Aldo sa serye.

Ayon sa taga-production, original ang karakter ni Aldo. Even during the time na binubuo ang kuwento, may isang lalaki nang mai-involve kay Betty.

Mid-January, i-a-announce na ng ABS-CBN kung sino ang bagong leading man na papasok sa I Love Betty La Fea.

* * *

tensyonada si Angel Locsin bago sumalang sa The Buzz last Sunday.

Paano ba naman, nakatakda siyang sumalang sa Tough Ten segment. Ito ang segment na kinatatakutan dahil sa mga kontrobersyal na tanong.

Hindi rin ipinaalam kay Angel kung ano ang 10 tough questions.

"Kailangan ba talagang sa Tough Ten ako?" tanong niya sa The Buzz staffer.

Muntik pa itong mag-back-out dahil sa nerbyos. But na-convince rin ito at finally nga ay sumalang na sa interrogation ni Boy.

During the interview, napaiyak si Angel sa tanong about her mom. Hiwalay pala ang mom and dad niya. She stays with her dad, na may edad na't bulag.

"My mom kasi, she is a generous person," naluluhang sabi ng aktres. "To the point na ibibigay niya sa ibang tao kahit wala nang matira sa kanya. Kaya ang wish ko is for my mom to save something para sa sarili niya. "

Wish din ni Angel na makakita pa ang kanyang ama.

"Mula kasi nang maging artista ako, hindi na niya nakita lahat ng nagawa ko, 'yung mga naipundar ko para sa kanya. Kung mabibigyan talaga ako ng wish, that is, for my dad to regain his sight. 'Yun, pinakamagandang regalong matatanggap ko 'yon," sabi ni Angel.

Sa January 15, showing na ang first movie ni Angel under Star Cinema, ang Love Me Again opposite Piolo Pascual.

After ng showing nito, isang primetime teleserye ang gagawin nila ni Sam Milby. Meaning, huling pagsasama nila ni Piolo ang Love Me Again.

Si Piolo naman will start working on a new teleserye with KC Concepcion.

Source: People's Tonight