Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Star Magic supports John Lapus's special post-birthday concert

Bagamat mas affiliated na ngayon sa GMA-7 and comedian-host na si John "Sweet" Lapus, formally speaking ay nasa pangangalaga pa rin ito ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN. Last Sunday, June 29, dumalo si Sweet sa 16th anniversary party ng Star M...

 

Star Magic supports John Lapus's special post-birthday concert

For his upcoming post-birthday concert to be held at Zirkoh in Quezon City, comedian-host John "Sweet" Lapus will be joined by his Star Magic family and co-talents. "Hopefully, nananawagan pa kami, kasi busy si John Lloyd 'tsaka si Piolo. Hopefully one of

Author: Bong Godinez


Bagamat mas affiliated na ngayon sa GMA-7 and comedian-host na si John "Sweet" Lapus, formally speaking ay nasa pangangalaga pa rin ito ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Last Sunday, June 29, dumalo si Sweet sa 16th anniversary party ng Star Magic sa Isla Ballroom ng EDSA Shangri-La Hotel in Mandaluyong City. Kagaya nga ng naisulat nito sa kanyang blog dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), ay bongga ang attire ni John sa nasabing pagdiriwang. Si Tatah Galias ang gumawa ng kasuotan ni Sweet for the special occasion.

"He is from the University of the Philippines, matagal na kaming magkakilala but recently lang niya ako dinamitan for Showbiz Central because he's a good friend of my new stylist si John Lozano.

"So, when I told John kung anong gusto ko, alam na nila, e. Kasi two months na silang dalawa. Sila 'yong bago kong team, 'tapos lahat ng sinusuot ko sa Showbiz Central [gawa na nila]. So two months na, medyo gamay na nila kung ano 'yong taste ko," kuwento ni Sweet nang makausap ito ng PEP noong mismong event.

CATCHING UP WITH OLD FRIENDS. Dahil nga sa rival network ng ABS-CBN ngayon nagtatrabaho si John ay inamin nito na bihira na niya makasama at makahalubilo ang mga dating kaibigan at fellow Star Magic talents.

Kuwento ni Sweet, "Most of the people na nakita ko rito, simula nang lumipat ako sa GMA, ngayon ko lang nakita 'yong iba, so I'm so happy. And alam mo naman, this is a Star Magic event, so I wouldn't miss this for the world."

Required ba na dumalo ang lahat ng Kapamilya talents sa nasabing okasyon?

"Hindi naman required, but this is our party, so I have to be here," mabilis na sagot ni Sweet.

Natutuwa naman daw siya dahil hindi nagbago ang treatment sa kanya ng mga dating kasama at mga kaibigan.

"Wala," bulalas ni Sweet, "alam naman nila yan, e. Ang Star Magic, alam nila 'yan and even my friends from ABS-CBN, alam naman nila na naging maayos 'yong aking paglipat. Nagpaalam ako nang maayos sa kanilang lahat. Nagbigay naman ng go signal ang aming tatay na si Mr. Johnny Manahan and we did ask permission and bigay-pugay to the executives and our bosses."

BIRTHDAY WISH. Next week, July 7, ay birthday ni Sweet at bukod sa mga pakulo na inihanda ng Showbiz Central ay magkakaroon din ng post-birthday show si John na gaganapin sa July 26.

"It's a birthday show at Zirkoh Timog [Quezon City]. You know what's flattering? Ang producer ng aking show are the staff of Star Magic, mga handlers, mga road managers," pagmamalaki ng comedian-host.

Very flattered nga daw si John sa suporta na patuloy na ibinibigay sa kanya ng Star Magic at ABS-CBN. Isa rin itong concrete proof na smooth talaga ang relationship ni Sweet sa nasabing network.

Patuloy ni John, "Siyempre dahil sila ang producer, it will be heavily supported by my brothers and sisters sa Star Magic. Coverboys are guesting."

Unsure pa si John kung kaya pa niya magdaos ng isang private birthday party dahil sa sobrang sikip ng kanyang work schedule. Sakto naman din dahil pumatak ng Lunes ang petsa ng kanyang mismong birthday.

"Ang problema, that's the only time of the week na rest day ko, so di ko pa alam. Pero ang mga kaibigan ko, ito like mga friends ko from ABS-CBN, kinakantiyawan na 'ko ng birthday party," ngiti ni John.

"Maghahanap pa 'ko ng lugar for that. Sabi ko naman sa kanila kung hindi man sa July 7, siyempre hindi puwede ng July 6 ng gabi dahil may celebration na sa Showbiz Central, pagod na 'ko by that time."

Napangiti si John nang tanungin namin ang kanyang birthday wish. "I don't know," buntong-hininga ni Sweet.

"Every year laging love life ang wini-wish ko pero hindi naman binibigay, e. Sabi naman ng mga kaibigan ko, hindi naman daw hinahanap ang love life, dahil kusa siyang dumadating. Siguro I would wish na lang for more success on my career. Hindi madali para sa gay celebrity ang tumagal ng 15 years in this industry. I'm so blessed and I'm so thankful na nandito pa rin ako."

SWEETILICIOUS, THE RETURN. Masaya ding ibinalita ni John na magkakaroon ng repeat ang kanyang successful anniversary concert na Sweetilicious before the year ends.

"October will be the repeat of Sweetilicious sa Music Museum. The exact date na lang, we just have to double check with Music Museum, 'yong schedule. We have a tentative date, October 10."

Wish ni John na sana daw ay suportahan ulit ng mga manonood ang second installment ng kanyang concert.

"This time it will be entitled Sweet2licious. So this is not a repeat, this is actually a part two. Sana maging as successful as Sweetilicious."

Source: Philippine Entertainment Portal