|
|
| Status symbolAuthor: Nitz Miralles Hermes ang bagong status symbol sa mga taga-showbiz at kokonti pa lang ang celebrities na meron ng mamahaling bag. May mga kilala kaming artistang sobra ang effort na makaipon para makabili ng bag. Bukod sa mga nabalita nang may Hermes bag, nakita rin naming bitbit ng isang TV personality ang isang red Hermes bag at 'di nga niya kailangang magsuot ng alahas dahil enough nang accessory ang bag. Si Heart Evangelista may Hermes bag na regalo ng ama, pero ayaw sabihin kung magkano. Isang controversial actress-singer ang bumili ng worth $65,000 Hermes bag at isa pang controversial actress ang may mamahaling bag na bigay daw ng boyfriend niya. * * * Hindi lang kaseksihan ni Aljur Abrenica ang mapapanood sa Nandito Ako...Nagmamahal sa 'Yo, pati na ang kaseksihan ni Kris Bernal na nag-effort magpaganda ng katawan. May trainer siya at sumabay mag-workout kay Aljur, kaya kahit maliit, kita ang kurbada ng katawan. Kinunan ni Direk Maryo J. delos Reyes ang 90 percent ng movie sa Bohol, nag-shoot siya sa Chocolate Hills, Panglao Beach, Baclayon Church, Loboc River, Hemontagon Hills, Bee Farm, Tarsier Sanctuary, Café Lawis, Maribojoc Mangroove Plantation, Hinagdanan Cave, Manmade Forest at sa Eskaya naman ginawa ang pictorial nina Kris at Aljur. Tamang-tama ang September 30 playdate ng Nandito Ako..., may mapapanood ang fans nina Aljur at Kris dahil magtatapos na sa Friday ang All My Life. * * * Hindi lang pala ang SRO Cinemaserye Presents...Reunion ang show ng balik-loveteam nina Jennica Garcia at Mart Escudero dahil dalawa rin sila sa mga bida ng Bachelors episode ng Dear Friend na mapapanood sa Sept. 20. Mauuna lang mapanood ang tambalan nila sa Reunion at sa presscon nito, inamin ni Mart ang muling panliligaw kay Jennica. "MU" na raw sila, na tinutulan ng aktres, pero inaming masaya siyang madalas na uli silang mag-usap. Willing si Mart na humarap at makipag-usap kay Jean Garcia gaya ng gusto nito. Naaliw pala ang press sa ipinakitang concern ni Mart kay Jennica dahil sa suot nitong damit na kita ang cleavage. Sinita nito ang dalaga at pinatakpan ang cleavage, kaya sa Q&A portion, nakatakip na sa cleavage ni Jennica ang mahaba niyang buhok. Masaya at nakatatawa ang istorya ng Reunion sa script ni Jun Lana at sa direction ni Soxie Topacio. Dahil wholesome ang istorya, 'wag mag-expect ang viewers ng kissing scene kina Jennica at Mart at Sheena Halili at Rainier Castillo dahil bawal! * * * IKinuwento ni JC de Vera ang ending ng Ngayon at Kailanman nila ni Heart Evangelista, 'wag lang daw isulat para hindi ma-preempt ang viewers. Sa episode mamaya, hindi natuloy patayin ni Vener (Pen Medina) si Edwin (JC) dahil dumating si Ayra (Heart Evangelista). Binaril ni Donna (Arci Muñoz) si Ayra at itatago ang katawan, mabuti't nakita ni Edwin. Sunod na mapapanood si JC sa new season ng Daisy Siete at four Saturdays siyang ipi-feature sa Maynila with four different leading ladies. Gagawa rin siya ng pelikula sa Viva Films, ang horror flick na Tumbok, opposite Cristine Reyes. Handa na ba siyang ma-link kay Cristine? "Hindi naman natin mapipigil kung ma-link kami, pero hindi ito ang first time na magtatambal kami dahil naka-trabaho ko na siya sa Love to Love dati. " * * * Sa Darna mamaya, hindi kayang pagbigyan ni Darna ang hiling ni Roma (Nadine Samonte) na patayin na siya para matapos na ang kasamaan ni Impy. May inihulog na batang babae si Impy mula sa building, pero nasalo ni Darna. Na kay Fr. Mateo (Eddie Garcia) si baby Ana (anak ni Roma) at ibibili siya ng gatas ni Gabriel (Alfred Vargas) nang mabalitaang muling sumalakay ang impakto. May face-off sina Darna at Impy sa gasolinahan na balak pasabugin ng huli, pero nang magsisindi na siya ng posporo, bigla siyang natumba. Alam nitong may masamang nangyari sa kakambal niyang si Roma. Katapusan na ba nina Roma at Impy? Source: People's Tonight |