Mar 17
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Stint ni Rhian sa 'Pinoy Idol Extra,' kinukuwestiyon

Author: Nitz Miralles

ANG gandang pagmasdan na magkasama sa presscon ng Urduja ang Kapamilyang si Cesar Montano at ang Kapusong si Regine Velasquez.

Sila ang nag-boses kina Urduja at Lim Hang, ang main characters sa first digital and traditional full-length animation movie ng bansa na produced ng APT Entertainment ni Tony Tuviera at showing sa June 18.

Mas matutuwa ang moviegoers kung papayagan ang dalawa na makapag-promote sa shows ng ABS-CBN (si Regine) at GMA-7 (si Cesar).

Sa ngayon, hindi pa tiyak kung posible ang ex-deal. Puwede kayang mag-guest ang una sa Singing Bee ng Channel 2 at ang actor sa Songbird ng Channel 7?

Hindi pinag-usapan ang talent fee nang tanggapin nina Regine at Cesar ang project. Ang biro ni Songbird, dapat kahati siya sa kikitain ng pelikula at ang actor nama'y magpapabili ng bahay sa Forbes Park sa kanilang producer.

Tinanggap ba nila agad ang project?

Regine: "Ha! ang reaction ko, kasi 'di ko pa alam ang story, wala pa akong nakikitang script at binigyan lang ng konting background. I was personally approached, this is a beautiful project and I'm happy I'm part of it. "

Cesar: "Nang i-offer sa akin ito ni Mr. Tuviera, pinakita niya ang cute niyang smile, mesmerized ako at tinanggap ko agad kahit 'di ko pa alam ang istorya. Dream project daw niya ito at dapat, kasali ako, 'di ako nagdalawang-isip. "

Bukod sa kanyang speaking voice, maririnig ding kumanta si Cesar sa duet nila ni Regine na Paalam at sa solo number niyang wala pang title.

Si Regine ang kumanta ng theme song na Babae Ako at kasama ang nabanggit na songs sa 12-track soundtrack album.

First time nina Cesar at Regine na magkasama sa project, pero ipinaalala ng huli na muntik na silang magtambal sa pelikula. Umaasa silang matuloy pa rin ang pagtatambal nila't, dream nila parehong makatrabaho ang isa't isa.

* * *

SI Dra. Vicki Belo ang unang tinanong kung bakit si Sarah Geronimo ang napili nila ng anak na si Cristalle Henares na maging endorser/image model ng Belo Essentials.

Ikatutuwa ng young singer-actress ang sagot nitong "She's 18, and Belo is 18. I always love singers, like after Regine, here comes Sarah. She also epitomizes what we want, fresh and simple. Unanimous choice siya. "

Inamin naman ni Sarah na may konting pressure ang pagiging Belo Essentials endorser niya't kahilera na niya sina Zsa Zsa Padilla, Lucy Torres-Gomez at Regine.

Siya rin lang ang may solo TVC at siya rin ang kumanta ng jingle ng TVC.

"Na-surprise ako nang malamang kinukuha akong endorser. Alam kong mas maraming deserving maging endorser. Kaya flattered ako, honored, thankful and very, very happy (may kasamang palakpak at non-stop na hagikhik ang sagot nito). Nahihiya pa lang akong magsabi ng 'I too, have been touched by Belo. '"

Dumating din sa presscon/launching ni Sarah ang director ng TVC niyang si Direk Quark Henares, na pinuri si Sarah sa shoot ng TVC.

Wish naman ng dalaga'y ma-appreciate ang ginawa niya sa TVC.

* * *

HAHARAP sa press mamaya ang Top 24 ng Pinoy Idol and hopefully, kumanta sila kahit ilang lines lang para marinig namin ang kanilang mga boses.

Magandang mapakinggan silang kumanta bago may matanggal sa kanila sa first elimination night sa Sunday, May 25.

Ang Top 24 ay kinabibilangan nina Meryl David, 23, of Bicol; Gretchen Espina, 20, of Biliran, Leyte; Regene Ong, 20, of Quezon City; Jeni Rawolle, 20, of Manila; Drizzle Muniz, 28, of Quezon City; Bev Ejercito, 18, of Davao; Vren Villaflor, 17, of Quezon City; Sue Ellen, 16, of Iloilo; J-Anne Bautista, 21, of Pampanga; Penelope, 16, of Batangas; Mae Flores, 18, of Marikina City (nakalaban siya ni Sarah sa Star for a Night); Carol Leus, 17, of Batangas; Rye Estrada, 28, of Iloilo; JJ Jr. , 17, of Bataan; Dio Paulo, 24, of Bacolod City; Elliot Andal, 24, of Batangas; Warren Antig, 25, of Baguio; Daryl Celis, 21, of Rizal; Walton Zerrudo, 25, of Laguna, Robby Navarro, 28, of Pampanga; Kid Camaya, 24, of Quezon City; Toffer Rei, 23, of Marikina; Ram Chavez, 25, of Cagayan de Oro; at Sherwin Marquez, 26, of Dagupan.

Samantala, sina Rhian Ramos at Karylle ang napili ng GMA-7 na mag-host ng Pinoy Idol Extra">Pinoy Idol Extra, na this Friday na yata ang simula.

May mga hindi natuwa sa pagkakapili sa kanila't mas gustong si Heart Evangelista at si Drew Arellano ang mag-host nito.

May nag-aakusang dahil sa lakas ng kapit, kaya kinuha si Rhian na unfair sa kanya't may talent din naman ito.

* * *

UMAANI ng positive feedback ang Magdusa Ka mula sa viewers at ang pinakamagandang feedback, dapat daw sa Telebabad block ng GMA-7 ito inilagay, dahil sa galing ng acting ng mga artista, ganda ng istorya at husay ng direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

Ngayong Miyerkules, mapapanood na ginagamot ni Christine (Katrina Halili) ang mga sugat ni Rod (Dennis Trillo) na nakuha sa pakikipagbuno nito sa arsonista.

Sa bahay na rin ng dalaga natulog si Rod para mas mabantayan niya ito at simula na 'yun ng pagiging close nila.

Masaya sina Doña Perla (Liza Lorena) at Bernardo (Gardo Versoza) sa kinalabasan ng imbestigasyon kina Christine at Toyang (Rita Avila) at magde-decide ang mag-ina na panahon na para kunin nila si Christine.

At the same time, gugustuhin na rin ni Toyang na makilala ng anak ang kanyang tunay na ama.

* * *

MAMAYA sa Babangon Ako't Dudurguin Kita, may warrant of arrest para kay Alfred

(Marvin Agustin) sa rape case na isinampa laban sa kanya at makukulong siya.

Sa kulungan, bubugbugin siya ng mga presong galit sa rapist. Bibisita si Via (Angelika dela Cruz) at makikiusap si Alfred na tulungan siyang makalabas, pero iiwan siya ng asawa.

Isinugod sa ospital si Evita (Dina Bonnevie) matapos himatayin. Habang nasa ospital, makakahanap ng liver donor para sa kanya.

Kaya lang, pag-uwi nito ng bahay, may bandang sumalubong sa kanya at tutugtog ng punebre. Sino ang liver donor ni Evita at sino ang may malaking galit sa kanya?

Source: People's Tonight