Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Studio 23, 'di kalaban ang QTV-11!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

ANG sikat na Baywalk sa Roxas Avenue ang pinagdausan ng ika-9 na taong anibersaryo ng Studio 23 last October 2005. Siyempre, party kung party ang nangyari sa kanila. Sa estimate nga ng Manila City Hall, umabot sa 80,000 ang mga tao na dumayo para makisaya sa ka-barkadas in between the three concert stages set up by Studio 23.

Halos dumoble nga raw ang dami ng taong dumating ngayon, kung ikukumpara last year na umabot lang sa 40,000 people ang dumating samantalang mahigit sa anim na entablado ang itinayo para sa concert.

Ilan sa mga bandang dumating ay ang Rivermaya, Hale, Mojofly, Juan Pablo Dream, Bloomfileds, Kitchie Nadal, Erik Santos, Orange and Lemons, Barbie Almalbis, Tropical Depression, Razorback, 6 Cycle Mind, Brownman Revival, Spongecola, Sandwich, Sugarfree, Sandwich, Kjan, Pupil, Juan Pablo Dream, DJ Phat Bone, Mike Swift, DJ Kimosave, MC Chase, Legit Misfitz, Pikaso, 7 Shots of Wisdom, at K24/7.

Ang mga nag-host naman ay sina Ryan Agoncillo, Asia Agcaoili, Angel Aquino, Daphe Ose�a at Amanda Griffin, Bam Aquino, Wacky Valdes, Patty Laurel, Atom Araullo, Angel Rivero at JC Cuadrado, Jhong Hilario, Spencer Reyes at Danilo Barrios, Chinggay Andrada, Bobby Yan, Jinno Rufino, Beau Canlas at George Rocha, Manu Sandejas, Iya Yotoko at Archie Alemania, Juddha Paolo at Ayanna Oliva at Jaja Bolivar, Erika, Vince at Einar.

Siyanga pala, nilinaw ni Mr. Leo Katigbak, ang Managing Director ng Studio 23, na hindi sila ang direktang kalaban ng QTV-11, kundi ang ABS-CBN mismo. Unang-una, ang halos lahat ng show ng QTV ay Tagalog o local, samantalang sa kanila ay may 30% na show mula sa ibang bansa.

Oo nga naman, dahil ang mga show na pinalalabas sa Studio 23 ay ang mga shows na tulad ng Lost, Oprah, Desperate Housewives at Smallville. Ipinalabas din sa Studio 23 noon ang The Nanny, Murphy Brown, Melrose Place, Beverly Hills at 90210.

Sa ngayon, mapapanood pa rin sa Studio 23 ang Dawson�s Creek, 7th Heaven, Savannah, Party of 5 at Relativity.

Naniniwala ang Studio 23 na totoong nag-number 3 agad ang QTV-11 sa unang linggo nito sa ere. Pero, ang tanong daw, kung na-sustain ba ito sa mga susunod na linggo?

Naniniwala ang Studio 23 na may sarili silang viewers. Mga manonood na madalas sa trabaho at estudyante. Na siyang target din naman daw nila mula noong itinatag nila ang istasyon.

Noon pa man, plano na raw nila na ang mga susunod na generation ang makuha nilang manonood. Mga tao na siyang magpapalakad ng bansa sa mga susunod na taon.

Kaya nga raw inilagay nila ang Y Speak nina Ryan Agoncillo at Bianca Gonzales, dahil alam nilang maraming kabataan ang naghahanap ng ganitong klase ng show na mataas ang level ng talino.

Gusto rin nilang alisin ang impresyon na hindi sila maabot ng masang Pilipino. Para sa kanila, marami rin silang show na pangmasa talaga ang appeal.

"Hindi natin dapat iniisip kung pang-Class A, B, C, D ba �yan. Mas magandang isipin natin na quality programs ang ibigay natin sa mga televiewers," say pa ni Mr. Katigbak.

***

Ano ba ang specialty ni kumare? �Yan ang episode ng SiS nina Janice de Belen, Gelli de Belen at Carmina Villaroel sa episode nila bukas.

Guest nila sina Regine Tolentino, Andrea del Rosario, Rachel Lobangco at Maureen Larrazabal.

Pero, huwag niyong isipin na pagkain ang specialty o magluluto ang mga bisita ng SiS, ha. Hindi po, dahil gigiling-giling po sila.

Kumbaga, ultimate dance showdown ang gagawin nila. Kunsabagay, sila naman ang tinatawag na dance divas, at nagsama-sama sila sa dance floor para magpasiklaban.

Pero mawawala ba naman ang tsikahan? Siyempre hindi dahil itsitsika nila ang pinagdaanan nila para marating ang kinalalagyan ngayon bilang magagaling na dancers.

I�m sure, marami na naman ang mag-i-enjoy na mga tatay riyan lalo na at magpapaseksihan sa kani-kanilang costume ang apat.

Siyanga pala, may special SIS Mission Makeover Series na magsisimula rin sa December 2. Ang Bubble Gang Toppings Restaurant ang babaguhin nila, na kinunsulta pa nila sa Feng Shui. Siyanga pala, ang episode na ito ang bale second day ng "Ka-SIS Mo sa Pasko" segment, na kung saan ay may mga pledges para sa mga mahihirap na bata para ngayong Pasko.

Source: Abante