|
|
| Suguran/sipaan nina Lorna at Chin Chin, pinutol sa ere!![]() Author: Jojo Gabinete IPINALABAS noong Lunes nang gabi sa Dahil May Isang Ikaw ang violent confrontation scene nina Lorna Tolentino at Chin Chin Gutierrez. Edited na ang eksena kaya hindi nakita ang kabuuan nito, ang pagsipa ni Lorna kay Chin Chin dahil pasugod ito sa kanya, kahit tapos na ang eksena na nire-require ng script. Pero sa close-up shot sa mukha ni Lorna, kitang-kita ang mga kalmot ni Chin Chin sa mukha niya, isa sa itaas ng kanyang kaliwang mata at isang mahabang guhit sa kanyang pisngi. Hindi pa maga ang mukha ni Lorna sa close-up shot pero pagkatapos kunan ang eksena, nilagyan agad ng yelo ang kanyang mukha para maagapan ang pamamaga nito. May malaking singsing na suot si Chin Chin sa kaliwang kamay at dito sumabit ang mga buhok ni LT. Matulis ang mga kuko ni Chin Chin at ang right hand niya ang kanyang ginamit sa pagkalmot sa mukha ni Lorna. Napailing kami nang bisitahin namin ang multiply site ng Dahil May Isang Ikaw dahil sa mga comment na aming nabasa. Halos lahat ng nag-post ng comment ay naniniwala na publicity stunt lang ang balita. Pinagdudahan pa nila ang report ng mga entertainment writer tungkol sa naganap na insidente. Kanya-kanya sila ng opinyon at debate. Nakakalungkot ang mga comment na aming nabasa, ang pagdudahan na gimik ang nangyari sa set ng Dahil May Isang Ikaw. Hindi kailangan ni Lorna ng intriga. Wala na siyang dapat patunayan. Gusto lang niya na magkaroon ng maayos at matino na trabaho. Masaya siya para sa success ng kanyang kapwa artista. Nang tanungin namin si Lolit Solis, sinabi nito na ayaw ni Lorna na magsalita tungkol sa pananakit sa kanya ni Chin Chin at kung talagang publicity stunt ito, napakadali para kay Lorna ang mag-deny at ma-amuse sa isang balita na walang katotohanan. Source: Abante |