|
|
| Suicide scene ni Cristine sa Kahit Isang Saglit naging totohananAuthor: Robert Silverio HINDI pa rin tapos ang isyu tungkol sa diumanoây suicide attempt ni Cristine Reyes. Ito ang naging topic sa presscon ng Banana Split kung saan isa siya sa mga bida, together with other ABS-CBN stars na sina Roxanne Guinoo, Angelica Panganiban and Valerie Concepcion. âNagpaliwanag na ako tungkol diyan. Wala talagang suicide na nangyari. Sobra lang akong napagod dahil araw-araw, eh, nagtatrabaho ako. Wala akong pahinga. âMWF ay nagte-ta-ping ako ng Kahit Isang Saglit. Tuesday, Saturday naman sa Eva Fonda at kapag Thursday ay Banana Split. âYung Sunday ko, may schedule din madalas. âYung hindi pupuwe-de âpag weekdays, sa Sunday nila inilalagay. Sino ba naman ang hindi mao-over fatigue ng ganuân, di ba?â paliwanag ni Cristine sa amin. Sa pagkaka-alam namin, nagsimula ang suicide issue dahil sa isang eksena ni Cristine sa Kahit Isang Saglit. Sobrang nagselos kasi siya kay Jericho Ro-sales dahil mahal nito si Carmen Soo kaya ang ending, nag-suicide siya. Hindi pa nai-palalabas ang naturang eksena sa Kahit Isang Saglit. âMay scene talaga ako doon na magpapakamatay ako, pero doon lang âyon sa Kahit Isang Saglit. Ang nangyari kasi, parang naging totohanan na. Wala namang ganuân,â dagdag pang paliwanag ni Cristine. Meanwhile, pumasok na rin ang character ni Albert Martinez sa soap opera. Unti-unti na ring nabubunyag ang tunay na katauhan ni Christopher de Leon. âMarami pang magagandang eksenang magaganap sa Kahit Isang Saglit kaya da-pat huwag nila âyung palampasin,â sabi pa ulit ni Cristine. Napapanood ang naturang soap opera sa ABS-CBN pagkatapos ng Iisa Pa Lamang na pinagbibidahan naman ni Claudine Barretto. Source: Taliba |