|
|
| Sulat ni Tatay at NanayAuthor: Cristy Fermin Nakararating ang pahayagang ito sa iba't ibang dako sa Amerika at Isang sulat-tula na binasa sa himpapawid ng magaling na komentaristang si Ted Failon sa kanilang programa ni Korina Sanchez sa DZMM ang dahilan, dito at sa iba't ibang bansa ay iniyakan ng ating mga kababayan ang tula, ang kabuuang nilalaman nito ay ang hiling at pakiusap ng isang magulang sa kanyang anak kapag dumating na ang panahon ng kanyang kahinaan. May suntok sa dibdib ang kabuuang nilalaman ng tula na sinulat ni Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL Spiritual Director ng St. Augustine Parish sa Baliuag, Bulacan, ginigising nito ang kamalayan ng mga anak na nakalilimot sa kanilang mga magulang. Dahil sa hiling ng mga kababayan natin sa Narito po… Sulat ni Tatay at Nanay Sa aking pagtanda, unawain mo Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako. Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad. Pagpasensyahan mo Pagpasensiyahan mo na rin Pagpasensiyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako. Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, Subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear. At kapag dumating ang sandali na ako'y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles CWL Spiritual Director Source: The Philippine Star |