Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Sumisimangot sa fans: Jennylyn inireklamo

Kung ang mga kamag-anak at kapitbahay ng isang baguhang personalidad ang tatanungin, hindi man magandang pakinggan ay ayaw nilang mag­ta­gumpay ang new female personality, dahil sa mga hindi niya kagandahang ugali. Ayon sa aming mga imporman...

 

Sumisimangot sa fans: Jennylyn inireklamo

Jennylyn Mercado

Column: Showbiz Mismo
Author: Cristy Fermin

Kung ang mga kamag-anak at kapitbahay ng isang baguhang personalidad ang tatanungin, hindi man magandang pakinggan ay ayaw nilang mag­ta­gumpay ang new female personality, dahil sa mga hindi niya kagandahang ugali.

Ayon sa aming mga impormante ay siya ang klase ng taong mabigyan lang ng magandang opor­tunidad ay siguradong tutubuan na ng magkabilang sungay, maldita at pasaway na raw ang bagitong ito ay bastos pa sa kanyang magulang.

“Kung naging anak ko lang ang batang yun, ma­ta­gal na siyang nanghiram ng mukha sa aso! Hindi puwede sa akin ang ganun na pinalaki mo lang siya, pero nung magkaroon na ng pakpak, e, napa­kaya­bang na!

“Sobrang magsasagot sa nanay niya ang babaeng yun, parang kaedad lang niya ang nanay niya kung makipag-usap siya, bastos ang batang yun!” nanggigigil na sabi ng aming source.

Sa kanilang komunidad ay social climber ang kan­yang imahe, kung ano-anong kuwento ang iki­na­kalat niya, kesyo mula raw siya sa ganito kaya­mang pamilya pero gusto lang talaga niyang mag­tra­baho kaya pumasok siya sa showbiz.

Type na type daw niyang makipagkaibigan sa mga mapera, sa mga sosyalera, pero ayaw naman niyang mag-imbita ng mga kaibigan niya sa ka­nilang bahay dahil mabubuking siya.

“Parang ikinahihiya niya ang family niya, ayaw niyang malaman ng mga kaibigan niya na mahirap lang sila, ganun kapretensiyosa ang babaeng yun.

“Mabuti nga, negang-nega ang image niya ngayon, makita pa sana ng marami ang mga kaga­gahan niya, para talagang hindi na siya sumikat pa dahil hindi dapat bigyan ng magandang kapa­laran ang tulad niyang walanghiya!” kuwento pa rin ng aming source.

Ayon sa kuwento ay kapatid ng isang dating aktor ang baguhang ito, meron namang mga nagsasabing ito raw ang kanyang ama, pero sa aming mga nakausap ay isa lang ang sigurado—maldita, pasaway at walanghiya sa ma­gulang ang babaeng ito.

* * *

May taping para sa MYX si Luis Manzano nung Linggo nang hapon, kung uuwi pa raw siya ay hindi na niya aabutan pa ang interview ng mommy niya sa The Buzz, kaya sa mismong studio na siya nanonood.

Kinantiyawan agad namin ang binata na lagot siya, ibinuking na ni Governor Vilma Santos ang pagpapa­kilala niya rito kay Angel Locsin, tawa lang nang tawa si Luis.

Bukod sa magandang takbo ng kanyang karerang pampulitika at pagkakaroon ng maayos na pamilya ay napakasuwerte ni Governor Vilma sa kanyang mga anak.

Ang ugali nila ni Edu Manzano ang rumere­his­tro ngayon sa nakikita namin kay Luis, mapag­kum­baba siya, marunong makisama, propesyonal at marespeto sa mga kasama niya sa trabaho.

Kahit saan mo makita ang binata ay nandun ang kanyang pagrespeto sa mga reporters, plakado niya ang ugali ng kanyang mga magulang, totoong hindi nga mamumunga ng mangga ang puno ng santol.

Kung anuman ang namamagitan sa kanila ngayon ni Angel ay walang kongkretong sagot si Luis, hindi nga naman para sa kanya ang magsabi, dahil naka­kahiya yun sa babae.

Pero hindi na rin sila makapagkakaila nang matagal, marami nang nakakakita kay Luis na duma­dalaw kay Angel sa trabaho nito, takdang panahon na lang ang kailangan nating hintayin.

* * *

Isang kaibigan naming nagbakasyon sa Boracay ang nag-text ng ganito sa amin, “Nakita namin sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado sa Caticlan, bakit ganun si Jennylyn, parang pasan niya ang mundo sa lagi niyang pagsimangot?

“Nung naglapitan sa kanya ang mga nandun para magpa-picture taking, pumayag naman siya, pero parang pilit na pilit lang siya. Mabuti pa si Patrick, mabait, saka laging nakangiti,” kumpletong nilalaman ng mensahe.

Hindi naman kaya antok na antok lang si Jennylyn kaya ganun siya? Puwede rin namang masakit ang kanyang ulo, o baka naman meron siya, kaya hindi kagandahan ang kanyang mood?

Sagot ng aming kaibigan, “Kahit pa. Artista siya, hindi siya dapat ganun, dahil kaming mga nanonood ng movies nila ang nagbabayad sa takilya at hindi naman sila.”

Source: Pilipino Star Ngayon