|
|
| Sunshine Dizon magma-migrate sa AmerikaAuthor: Tonee Coraza IBA-IBANG espekulasyon ang lumabas sa biglaang pagka-pack up ng taping ng Tinik sa Dibdib ng dalawang beses na pinagbibidahan ng multi-awardee actress Sunshine Dizon. May lumalabas na kes-yo nagiging pasaway daw ang young actress. Say naman ng iba buntis siya kaya isinugod sa hospital. Ang iba pa ay naniniwalang ang grabeng away nilang mag-ina ang naging ugat ng 'di pag sipot ni Sunshine sa dalawang tapings ng Tinik. Pero, pinabulaanan ito lahat ng butihing ina ni Sunshine nang makausap na-min heart-to-heart sa kani-lang tahanan sa Valle Verde VI, Pasig. Tsika ni Tita Do-rothy, sinumpong talaga ng grabeng migraine, na dati na nitong sakit kaya 'di naka-pag taping si Shine dahil isi-nugod sa hospital. "Sa sobrang pagmamadali na madala namin si Sunshine sa hospital, hindi na namin naabisuhan 'yong mga tao sa Tinik sa Dibdib lalo na ang direktor. Wala naman sigurong gustong magkasakit. "Hindi naman siguro matatawag na pasaway ang pagkakasakit. Ayaw ni Sunshine na magkasakit dahil alam niya na maaapektuhan ang kanyang trabaho, pero wala siyang magagawa, kasi bata pa siya sakit na niya ang migraine. "After nga nu'ng ma-ospital siya okey na siya ba-balik na dapat siya sa ta-ping, pero sinumpong siya ng depression kaya naman hindi na naman siya naka-pag-taping. " Tungkol naman sa buntis isyu. "Hindi totoo 'yan. Ilang beses na bang naisyung buntis si Sunshine ? Everytime na lang yata na mahu-hospital siya sinasabi nilang buntis ang anak ko! "Sa ilang beses na na-tsitsimis siyang buntis, baka ang dami-dami na niyang anak ngayon. Pero, hindi naman nga totoo," pagdi-diin ni Tita Dorothy. Tungkol naman sa grabeng pag-aaway ng mag-ina kaya hindi sinipot ni Sunshine ang taping ng Tinik Sa Dibdib. .. "Inaamin ko na nag-katampuhan kami ni Sunshine, pero hindi naman grabe 'yon. Simpleng tampuhan lang naming mag- ina 'yon. Maliit na bagay lang 'yon at hindi 'yong si-nasabi nilang grabe. "Nagkasakit talaga si-ya, 'yon ang totoo at 'wag na nilang gawing issue at iturong dahilan na kesyo nagkatampuhan kami ng anak ko," medyo galit nang wika ni Tita Dorothy. How true na tsinugi si Sunshine sa soap niyang Tinik sa Dibdib? "Actually, nagpaalam siya na hindi na niya ka-yang mag-taping nang inaabot ng madaling araw. Gusto muna ni-yang magpahi-nga. "Gusto na nga niyang magpa-release sa GMA7 at tumigil na sa pag-aartista para mag-migrate na lang sa Amerika at pumisan sa daddy niya at mag-aral na lang doon, pero hindi siya pinayagan ng GMA7. "Sinabihan siya na magpahinga muna at 'pag okey na siya ulit puwede na siyang magtrabaho at bibigyan siya ulit ng trabaho ng Kapuso na magagandang proyekto. "Natutuwa nga ako sa GMA7, kasi doon ko naramdaman na mahal nila si Sunshine kasi bukas pa rin ang kanilang pinto para bigyan ulit ang anak ko ng trabaho 'pag okey na siya. "Nalulungkot nga ako, kasi ang ganda-ganda ng takbo ng kanyang career at maganda ang Tinik sa Dibdib, kaya lang desisyon ni-ya 'yon. Kailan balak ni Sunshine na pumunta ng Amerika? "As soon as possible. Nagpapatulong na siya sa daddy niya para makapunta roon nang madalian. * * * KUNG titingnan ang reggae singer-comedian na si Blakdyak, mababa-naag sa mukha niya ang kasiyahan dulot ng maganda at marang-yang pamumuhay at unti-unting pagbabalik kinang ng kanyang showbiz career . Pero sa likod ng masayahing ugali ni Blakdyak mababanaag pa rin ang natatagong kalungkutang dulot ng pagka-miss niya sa kanyang biological parents. Sanggol pa lang ay ipinasok na si-ya ng kanyang ina sa bahay-ampunan. "Hindi ko ikinahihiya na galing ako sa bahay-ampunan. Pe-ro, nagsikap ako at pinatu-nayan ko na magiging successful ako kahit wala sa tabi ko 'yong tunay kong mga magulang. "Kaya nga malapit ako sa mga bata sa orphanage, kasi kapareho ko sila. Kaya nga palagi akong pumupunta sa mga bahay-ampu-nan, at ibinabahagi ko sa mga bata roon 'yong pinagmulan ko hanggang sa kung ano na ang nararating ko ngayon. "Sinasabi ko sa kanila na walang imposible sa pangarap lalo na`t pagsusumikapan mong matupad ito, katulad ng ginawa ko. Gusto ko kasing maging inspirasyon nila kung ano 'yong gi-nawa ko para magtagum-pay. " Hindi ka ba nagagalit sa mga magulang mo? "Hindi ko na iniisip 'yon. Ang mahalaga sa akin ay makita ko sila, ang tatay at nanay ko, 'yon ang maha-laga sa akin ngayon. "Pakiramdam ko kasi ngayon, hindi kumpleto ang buhay ko. " 'Pag nakita mo sila ano ang sasabihin mo sa kanila? "Yayakapin ko sila nang mahigpit, kasi miss na miss ko na sila, gustung-gusto ko na silang makita," maluha-luhang pagtatapat ni Blak-dyak. Hindi ka ba gumawa ng paraan para makita mo ang tatay at nanay mo? "Lagi ko naman silang hinahanap, pero wala talaga, hindi ko pa rin sila na-kikita. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko. " * * * AFTER All My Life ay may bagong soap ang hottest loveteam ng GMA7 na sina Kris Bernal at Aljur Abre-nica. Sa ngayon ay wala pang tentative title ang soap ng dalawa, pero ito ang kasu-nod na proyekto nila. Samantala, nalulungkot si Kris sa balitang hindi kumita ang kanilang launching movie na nasabay halos sa mga bagyong Ondoy at Pepeng. Kaya naman marahil ang naapektuhan nang husto ang said movie ng Regal Films kung saan nagpa-sexy pa naman sina Kris at Aljur. Tsika nga ni Kris: "Pa-rang hindi tanggap ng mga tao na magpa-sexy ako ka-ya konti ang nanood. " Pakiramdam nga raw ni Kris, masyado pang maaga ang pagpapa-sexy niya sa movie dahil hindi raw na-establish na mature actress na siya. Hindi pa raw siya dapat nagpa-sexy. Sana raw ay nag-enjoy muna siya sa pagka-wholesome. Source: Taliba |