Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sunshine: Okay kami ni Iza

Author: Nitz Miralles

May color coding ang cast at staff sa presscon ng Kaya Kong Abutin ang Langit at Tinik sa Dibdib na sabay magpa-pilot sa September 28.

Blue and silver ang kulay ng mga taga-Kaya Kong Abutin... at red and black naman ang mga taga-Tinik sa Dibdib.

Pinasalamatan ni Wilma Galvante sina Iza Calzado at Sunshine Dizon sa pagtanggap ng kani-kanyang project sa Dramarama time slot ng GMA-7.

Thankful naman ang dalawa sa maganda at malalaking projects na ibinigay sa kanila. Remake ng pelikula ni Maricel Soriano ang napunta kay Iza at remake naman ng movie ni Nora Aunor ang napunta kay Sunshine.

Natawa si Sunshine nang hawakan namin ang tiyan niya dahil na-blind-item siyang buntis a few days ago. Hindi nito itinangging kilala ang diumano'y nakabuntis sa kanya, pero hindi raw siya buntis at 'di siya bothered dahil madalas siyang matsismis na buntis.

Hindi raw siya Immaculate Conception para magbuntis nang walang boyfriend.

Natutuwa si Sunshine na aprubado ng Noranians ang second time na pagganap niya ng isa sa mga karakter ni Nora sa pelikula at nangako ng suporta ang Noranians. Sa tulong ni Direk Gil Tejada, ginawa niya ang lahat to give justice to the role.

Tungkol naman sa kanila ni Iza, heto ang pahayag ni Sunshine: "Okay kami ni Iza at 'di na kailangan ang explanation. Walang nabago sa amin, 'di lang kami nagkikita. Sana, hindi na kami intrigahin at pag-usapan na lang ang projects namin na parehong maganda. "

* * *

Excited si Isabel Oli sa role niya sa Kaya Kong Abutin ang Langit dahil bad siya at aapihin si Iza.

Matutuloy dito ang pagiging bad niya, na naudlot nang mag-back-out siya sa role ng Babaing Tuod sa Darna dahil sa amang may sakit.

Ngayong maayos na ang lagay nito, makakapag-concentrate siya sa trabaho.

Samantala, careful si Isabel sa pagsagot sa pagbubuntis ni Lian Paz, ang GF ng ex niyang si Paolo.

Sabi niya: "I'd rather not comment dahil 'di pa sure kung totoo at kung totoo man, that would be great because a baby is a blessing. "

Paano kung kunin siyang ninang nina Paolo at Lian? Iniyakan ba niya ang balita?

"Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Kapag nangyari na lang, saka ako magre-react. If I cried? Hindi, dahil naka-move-on na ako. "

Kung 'di nag-break sina Isabel at Paolo, dapat ikinasal sila noong September 9, pero ayaw na rin itong pag-usapan ng aktres.

Pareho na raw silang naka-move-on at kung happy ang ex kay Lian, siya naman ay happily dating.

* * *

Magsasama for the first time sa isang concert sina Jed Madela at Rachelle Ann Go, True Champions, na gagawin sa SM North Edsa Skydome sa October 24.

Produced ito ng Viva Concerts & Events at sabi ni Jed, walang naging problema sa negosasyon dahil maganda ang working relationship niya sa Viva.

May blurb sa poster na "the best meets the very best" at ayaw sagutin ng dalawa kung sino ang best at very best sa kanila.

Basta sabi ni Rachelle, napi-pressure siya sa sobrang galing ni Jed at baka himatayin siya after the concert.

Ayon naman kay Jed, kumportable siyang ka-duet si Rachelle, hindi siya naghu-hold back sa pagkanta dahil powerful din ang boses nito.

Pinag-uusapan na nila ang line-up ng kanilang repertoire.

Tickets are available at all SM Ticketnet outlets. Call Ticketnet at 911-5555 or Viva Concerts & Events at 687-6181 loc. 627 or 620.

* * *

Sa Stairway to Heaven ngayong gabi, pag-aawayan nina Cholo (Dingdong Dantes) at Eunice (Glaiza de Castro) ang announcement ni Maita (Jean Garcia) na malapit na silang ikasal.

Dadalaw si Cholo sa beach house at nagkataong nagpi-picnic sa beach sina Jenna (Rhian Ramos) at Charlie (TJ Trinidad), pero 'di makikilala ni Cholo si Jodi dahil naka-cap ito.

Ilalabas ni Cholo ang lungkot sa pagtugtog ng piano. Narinig 'yon ni Jenna at lalapit sa pinanggagalingan ng tugtog, magkita na kaya sina Cholo at Jodi?

Source: People's Tonight