|
|
| Sunshine bagong 'girl' ni RobinAuthor: John Fontanilla MARAMING nakapuna sa sobrang sweetness ng star ng Totoy Bato na si Robin Padilla at bida ng All About Eve na si Sunshine Dizon sa premiere night ng blockbuster hor-ror/suspense movie ng GMA Films na Sundo. Kahit kasama ni Robin ang kanyang pamilya, si Sunshine ang inaalalayan niya at kitang-kita nga ng marami ang paghu-hol-ding hands ng dalawa habang naglalakad. Paminsan-minsan pa ngang niyayakap ni Binoe si Shine. Kaya naman 'di maiwasang mag-isip ng ilan sa kapatid sa panulat na baka totoo ang tsismis na si Sunshine ang bagong girl na "pinagti-tripan" ni Binoe. Dahil sa mga babaing kasama nito sa Sundo, like Katrina Halili, Rhian Ramos at Iza Calzado ay tanging kay Sunshine naka-focus ang kanyang pansin. Knowing Binoe na "matinik" sa mga babaing nakakasama niya sa pelikula o telebisyon, baka nga true ang tsismis. * * * SPEAKING of Sundo, naging hit sa mga sinehan sa Metro Manila ang first day of showing nito. Nakita namin sa aming paglilibot sa movie houses sa Quezon City ang lakas sa takilya ng Sundo. Sobrang haba ng pila sa mga sinehan at magaganda ang feedback ng mga nakapanood nito. * * * KAMUNTIK-MUNTIKAN nang magka-stampede sa naganap na mall tour ng GMAAC prime star, businessman, athlete at host ng Dear Friend na si Marvin Agustin. Dinumog siya ng libu-libong fans. Saksi ang inyong ling-kod sa kapal ng mga taong nagtungo sa Gaisano mall sa Davao City na 'di magkamayaw ang tilian. May isang tagahanga pa nga ni Marvin ang hu-magulgol ng iyak nang makita siya in person. Ang isa pang fan ay nakita naming hinimatay. * * * NAPAKASUWERTE ng isa sa avenger ng StarStruck batch 2 at GMAAC star na si Kevin Santos dahil kasama siya sa bagong episode ng Dear Friend hosted by Jolina Magdangal and Marvin Agustin na ipapalabas ng buong buwan ng Marso titled "Kari-bal. " Makakasama ni Kevin dito sina Katrina Halili, Alfred Vargas, JC Tiuse-co, Pinoy sole Survivor at Jewel Mische. Kinunan ang said episode sa Dakak Park & Resort sa Zamboanga del Norte. Bukod sa Dear Friend ay regular ding napapanood si Kevin sa Ang Babaeng Hinugot sa A-king Tadyang at malimit din siyang mag-guest sa SOP at Bubble Gang. Source: Taliba |