Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sunshine denies gap with Sharon over politics

Author: GMANews.TV
Column: Entertainment

Kahit magkalaban ang mga mister nila ngayong darating na eleksiyon sa pagka-senador, para kay Sunshine Cruz, walang alitan or gap na namamagitan or dapat mamagitan sa kanila ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Kahit hindi niya lately nakakausap si Sharon, na ninang nila ni Cesar Montano sa kasal, alam ni Sunshine na nandun pa rin ang friendship nila. At kahit ano raw ang mangyari, hindi ito maaapektuhan ng kung anumang bagay na may kinalaman sa pulitika.

Ang mister ni Sunshine na si Cesar ay tumatakbo sa ilalim ng TEAM Unity ng administrasyon, samantalang si Senator Francis "Kiko" Pangilinan ay tumatakbo bilang independent candidate.

Tungkol pa rin sa pulitka, fortunately ay wala pa namang natatanggap na death threats sina Cesar at ang kaniyang pamilya.

Ayon pa sa butihing maybahay ni Cesar, totoong may mga anonymous text messages silang natatanggap, pero so far ay wala pa namang pagbabanta sa kanilang buhay. - Philippine Entertainment Portal

Source: GMANews