Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sunshine, mahal na mahal si Cesar

Sunshine, mahal na mahal si Cesar

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

SIMULA na ngayon ang bee-ritan sa The Singing Bee, ang bagong singing game show sa ABS CBN 2, na kung saan hindi mahalaga ang tono, basta tama ang lyrics mo.

“Lahat ng tao, maru­nong man kumanta o hindi, ay puwedeng makisaya gabi-gabi sa amin dito,” say ni Cesar Montano, na nagpakita ng kanyang o­ther side ni Cesar sa show na ito.

Anyway, dati pa naman ay mahilig na sa musika si Cesar.
“Mahilig akong tumugtog ng gitara. Bata pa ako binilhan na ako ng nanay ko ng gitara, pero binata na ako nung natuto.

Ang Joey Fatone na dating N'Sync member ang counterpart ni Cesar sa show na ito sa Amerika.

At sa rehearsals pa lang ay nag-enjoy na si Cesar.
Ang The Singing Bee ay franchise mula sa Zeal Entertainment.
“Very challenging ang game kaya sa mga sasali, halungkatin na ang mga songbook o mag-research sa internet at kabisaduhin na ang lyrics ng mga kantang gusto at di nila gusto,” payo ni Cesar.

Sa pilot episode nga­yong gabi, sina Derek Ramsay, Jodi Sta. Maria, Bayani Agbayani, Mickey Ferriols, Keana Reeves, Valerie Concepcion, Heart Evangelista, JayR Siaboc, Tado, Jamie Joaquin, Brod Pete at Pooh ang bee-bee-rit.

Sa mga nagtatanong kung kailan magkakabalikan sina Cesar at Sunshine, abangan niyo na lang at malapit na `yon, dahil hanggang ngayon naman ay nakikita kong mahal na mahal ni Sunshine si Cesar, at ganun din si Cesar kay Sunshine.***

Sa April 26 gaganapin ang Film Forum na magta-tackle sa “Cultural Identities in Documentary Films”, sa Institute for Indigenous Peoples Education (harap ng Nanay Bebeng's Restaurant), Mabini Street sa Davao City.

Ang award-winning filmmaker na si Auraeus Solito (Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, Tuli, Pisay) ang magiging guest speaker sa Forum.
Sa mga gustong dumalo sa Forum, P200 lang ang registration. Only limited slots are available. Puwede ka­yong tumawag sa 0920-2555305 or mag-log on sa morofilm@yahoo.com.

Source: Abante