Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sunshine, may lalaki kaya naging pasaway

Author: Mercy Lejarde
Column: Tell & Tell

Nakatanggap kami nu'ng Biyernes ng umaga ng forwarded text message na nagsasabing muling nagkaroon ng suicidal attempt ang dating sexy actress na si Lyka Ugarte. Ang isa raw sa main reasons ng suicide ay due to depression and financial problems. Her daughter Kim is asking everyone na ma-heal na ang depression ng kanyang mom.

* * *

Hindi naman daw depression ang reason kung bakit nagluka-lukahan sa kanyang TV acting career si Sunshine Dizon dahilan para alisin siya sa cast ng Tinik Sa Dibdib at palitan ni Nadine Samonte.

Ayon sa isang reliable source ay "in love" lang daw si Sunshine sa isang lalaking taga-Pampanga. Ang talagang inaatake ng depression ngayon ay ang isa sa co-stars ni Sunshine sa Tinik dahil tinik sa dibdib ang isa nitong dyunak na kanyang ipina-rehab recently.

Hindi namin pinangarap na mag-suicide din ito kahit na sabihin pang suicide is painless. Ha-ha-ha!

* * *

AT least si Megastar Sharon Cuneta kahit may bukol sa dibdib ay hindi nagpatalo sa depression at happy pa rin itong nagte-taping ng kanyang ABS-CBN show and tonight nga ay bakas na bakas sa mukha niya ang kasiyahan sa episode ng Sharon kung saan guests niya sina Kaye Abad, Guji Lorenzana, Zaijian Jaranilla, Dominic Ochoa, Noel & Partner, Aiza Seguerra, Erik Santos, Star Magic boys Mickey Perz, Charles Christianson, Rodjun Cruz, Sergio Garcia and Enrique Gil.

Pero si Tessie Tomas ay tipong may naram-damang depression nang isiwalat sa kanya ng mismong asawa niya na magpa-file ito ng annulment with matching kerida on the side!

Yesss, nakaramdam ng depression, galit, inis si Aling Teysie sa episode ngayon linggo ng gabi sa George & Cecil nina Ryan at Juday porke ang mister niyang si Tereso (Ariel Ureta) ay bigla na lang sumulpot with matching kerida at nagsabing ia-annul na niya ang kasal nila.

For more laughter, find out tonight at 8:30 p. m. sa bago nitong time-slot.

* * *

Hindi na-depress at wa na sa pag-e-emote si housemate Jimson ng Pinoy Big Brother Double Up porke isiniwalat na niyang siya ang tunay na husband ni housemate Kath at dehins si housemate Patrick. Kaya ayun, tipong nailalabas na niya ang kanyang pagka-elya at hindi lang yata yakap at halik ang gusto nitong gawin sa kanyag dyowa. Makapagpigil kaya sila kahit nasa loob sila ng Bahay ni Kuya?

* * *

No depression aura naman or ambience ang episode tonight ng TV5's Shall We Dance cuz isang big name celebrity na ikakasal this month ang co-host ni Lucy Torres-Gomez. Kung zino ziya, alamin sa SWD mamayang gabi, okidoki?

Source: People's Tonight