Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sunshine nagbago ang isip, gustong magbalik-showbiz

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Ayon sa source, gusto na raw bumalik sa trabaho ni Sunshine Dizon, taliwas sa naglabasan na super-depressed ito kaya nagloka-lokahan.

Gusto na raw ulit nitong mag-host sa Unang Hirit at excited na ring maging isa sa judges ng Starstruck V. Pero dahil nagdesisyon ang Kapuso management na magpagaling muna si Shine sa sakit niya ay malabo pang makabalik agad ang aktres lalo't ang iniwan niyang Tinik Sa Dibdib ay ibinigay na kay Nadine Samonte.

Isa sa alam naming mga nanghihinayang sa nangyayari sa career ni Sunshine ay si Mark Anthony Fer-nandez. Naging malapit na kaibigan ni Mark si Shine nang magkatrabaho sila sa All About Eve. Dati-rati kasi, kapag may problema si Mark ay si Shine ang ma-dalas magbigay ng advice at nagpapalakas ng loob ng ak-tor. Ipinagpi-pray ni Mark na malampasan din ni Shine ang mga pagsubok na pinag-dadaanan nito sa kasalukuyan.

* * *

Sina Rosanna Roces at Roi Vinzon ang bida sa Baklas na idinirek ni Buboy Tan.

Kaya inaasahan na dadalo si Osang sa premiere night ng naturang indie film sa SM Megamall Cinema 10

Nangako rin daw kasi ang controversial actress na da-dalo kaya panay ang announce ng production staff ng RMS na parating na raw si Osang. Pero tulad ng ina-asahan ng mga reporter na natatawa kapag sinasabi na parating na raw si Osang, natapos na ang palabas ay walang Rosanna Roces na nagpakita.

* * *

Sino'ng mag-aakala na ang successful businessman na si Joel Cruz ng Aficionado Germany Perfume ay kukuning first entrepreneur endorser ng Calayan Surgi Centre. Aminado si Joel Cruz na ang nag-aalaga ng kanyang skin at panga-ngatawan ay ang Calayan Surgi Centre. At matagumpay naman sa pag-aalaga sa kanya ang Calayan dahil na-nanatili pa rin siyang contender Celebrity Duets 3.

Magkasundo raw sila ni Doc Manny, na galing din sa CD, at hanga kay Joel na ka-hit successful businessman ay nananatili pa ring mabait at humble.

Super-excited nga si Joel na maging endorser ng Cala-yan Surgi Centre dahil kung dati-rati ay siya ang kumukuha ng celebrity endor-sers para sa kanyang mga pabango, ngayon ay siya ang nasa billboard bilang endorser.

* * *

Kahit anong busy ay hindi puwedeng kaligtaan ni Chris Tiu ang pagti-taping ng Ripley`s Believe It Or Not napapanood every Monday pagkatapos ng Te-lebabad sa GMA7.

Malaking ang utang na loob ni Chris sa Kapuso at staff ng Ripley's dahil nag-karoon siya ng tiwala sa sa-rili na mag-host. Nawala ang pagiging mahiyain niya na akala ng iba ay suplado siya.

Ngayon ay sanay na sa-nay na siyang mag-host at makipag-tsikahan sa guests niya sa show.

* * *

Balik-ABS CBN si Robin Padilla at super-impress ang aktor nang makarating sa kanya na baka makasama niya sa naturang project sina Bea Alonzo at Toni Gonzaga, na tina-wag niyang young superstars.

Ang tanong, magawa kaya ni Robin sa Dos ang reklamo at tsismis sa kanya na pinapakialaman niya ang direktor ng kanyang nagiging show para siya na mismo ang magdirek ng mga eksena?

Source: Taliba