Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sunshine naiyak sa eksenang gumiling ala-Burlesk Queen

Author: John Fontanilla
Column: Intriga

Nakausap namin ang Enduring Star at star ng GMA-7 top rating soap na All About Eve na si Sunshine Dizon at siya mismo ang nagkumpirma na naiyak siya talaga nang kunan ang kanyang dance sequence sa All About Eve.

Mala-GRO ang costume niya dahil iyon ang role na kailangan niyang i-portray na napanood kamakailan.

Naramdaman daw kasi niya kung ano ang nararamdaman ng isang club girl sa naturang dance sequence na kailangan gawin para mabuhay at buhayin ang kanilang pamilya.

Tulad ng role niya na kailangang ibaba ang dignidad para lamang makapagtapos sa pag-aaral at maabot ang dream na isang araw ay giginhawa rin siya at magtatagumpay.

Ito raw ang first time ni Sunshine na nagkaroon ng sobrang daring na dance sequence at sexy outfit kaya naman daw medyo nanibago ito.

Pero nagampanan naman ni Sunshine ito nang buong husay at akala mo ay totoong club girl habang gumigiling-giling sa entablado.

* * *

APAT na taon pa lamang sa restaurant business ang host ng Outrageous and Curageous at Dear Friend na si Marvin Agustin pero marami na siyang naipundar.

Unknown to many, si Marvin ay nagsimula bilang isang waiter bago na-discover sa showbiz at sinuwerte.

Pero hindi doon tumigil doon si Marvin dahil nag-aral at nagtapos saka natayo ng restaurant business sa tulong ng dalawa niyang mga kaibigan na business partners niya ngayon sa kanyang walong restaurants.

Marami rin ang hindi nakakaalam na pinasok na rin ng actor-businessman ang archery.

Iniwan na niya ang paninigarilyo at maging ang sobrang pag-inom kasi kailangan ni Marvin magkaroon ng disiplina sa sarili, at aminado ang binatang-ama na loveless siya sa ngayon pero hindi raw ito nanga-ngahulugan na hindi siya masaya dahil nariyan ang kanyang kambal na sina Santiago at Sebastian na mga inspirasyon niya.

* * *

Puro Kapuso stars ang nasangkot sa kontrobersiya last Holy Week.

Matapos ang away nina Sexbomb girls Aifha at Rochelle sa isa umanong lalaki na muntik nang sampalin sila ng mineral water ay sumunod dito ang actor/model na si Paolo Paraiso.

Nagkaroon din ng isyu na nasangkot sa gulo si Paolo sa Camarines Sur na na-ging dahilan kaya nagkaroon niya ng black eye.

Pero mali ang naglalabasang balita dahil wala naman daw ganoong insidente habang nagbabakasyon ito.

Napabalita kasi na kesyo nasangkot ang actor sa isang gulo sa Camarines Sur nang magbakasyon ito last Holy Thursday kasama ang showbiz friend na sina Marco Alcaraz at iba pa.

Ayon kay Paolo nang makausap namin sa telepono ay aksidente daw ang nangyari.

Tumalon kasi siya mula sa 20 feet inflatable obstacle at mukha ang unang tumama pagbagsak niya sa tubig.

Dahil sa taas ng tinalon nito at lakas ng impact ng pagbagsak, nagkaroon siya ng black eye.

Tsika pa ni Paolo, hindi siya ang tipo ng taong mahilig sa gulo, kaya malabong mapa-rumble siya.

* * *

Naging very memorable ang aming bakasyon for four days and three nights sa Batangas kasama ang aking mga girl Friday na sina Marie Soriano at Edwin Parungao at aming driver na si Jojo Lazaga.

Kasabay ng aming bakasyon ang paggunita sa Mahal na Araw at noong Good Friday ay nag-Bisita Iglesia kami sa 14 makasaysayang simbahan sa Batangas (Taal, Lemery, Balayan at Calaca ).

Pinasyalan din namin ang lumubog na simbahan sa Taal na may miracle water at nakagagamot umano sa mga may sakit at nakapagpapagaan ng kalooban.

Nakilala rin namin ang Little Big Star 2007 na si Ronald Jumarang, ang mababait na parents nito, pinsang si Mark Joseph Coro, at Kabataan president ng Balangon Agoncillo na si Kenneth Estrella na may pa-show sa April 19 para sa fiesta ng Balangon Agoncillo.

Ito na rin ang pagkakataaon para mapasyalan ang mga kaibagan na tuwing sasapit ang Semana Santa lamang naming nakikita na sina Kapitan Edrich Atienza and family ng Taal; Herbert Sara ng Taal; ang aming long time friend at bestfriend na si Raye Bathan at si Gyvz Garcia ng "Gyvz and Gyryl Internet Cafe.

Source: Taliba