|
|
| Sunshine, na-trauma sa aksidente!Author: Nitz Miralles WALANG tulog si Sunshine Dizon noong Wednesday night hanggang Thursday dahil sa nangyaring aksidente sa taping ng Tinik sa Dibdib sa shop ni Fanny Serrano. Seconds lang ang agwat at kung 'di siya nakapasok sa kanyang van, tiyak na nasagasaan siya ng van na biglang sumalpok sa van niya. Nag-dinner break lang si Sunshine at sa loob ng van piniling kumain. Pagpasok na pagpasok niya, saka sumalpok ang van na gamit ni Shirley Fuentes. Gas pedal daw, sa halip na brake pedal, ang naapakan ng driver at nang kabigin ang van, tatlong sasakyan pa, kabilang ang car ni Direk Gil Tejada, ang nabangga. Grabeng nerbyos ang naramdaman ni Sunshine at tinanong ang kapatid kung buhay pa sila. May trauma sa car accident ang aktres dahil sa nangyari sa kanya a few years back at bumalik ang kanyang takot. Nanawagan si Sunshine sa owner ng rent-a-car na makipag-usap sa kanila para maayos ang lahat at 'di na mauwi sa demandahan. * * * ISA si Jay Perillo sa Viva Artists Agency talents na ipina-interview noong isang araw at masaya ito sa takbo ng career kahit hindi nanalo sa Are You the Next Big Star? Bibigyan siya ng album ng Viva Records, kasama siya sa pelikula nina Regine Velasquez at Aga Muhlach na Um Boy and Berns daw ang title at magkakaroon sila ng TV show nina Geoff Taylor at Frencheska Farr sa GMA-7. Hindi nagsisisi si Jay sa 10-year contract na pinirmahan niya sa VAA dahil tinutulungan siyang magka-career sa showbiz at matupad ang mga pangarap. Excited din si Jay dahil guest siya sa bagong album ni Regine at alam niyang malaki ang magagawa nito sa kanya. Sa music ang focus si Jay, pero gusto pa ring subukan ang acting. * * * MAMAYA na ang Rockatropa, ang concert na handog ni Camille Villar sa kabataan. Gagawin ang concert sa SM Mall of Asia Concert Ground, kung saan tutugtog ang Bamboo, Kamikazee, Itchyworms, Sandwich, ang favorite ni Camille na Parokya ni Edgar at ang Moymoy Palaboy. Mag-i-enjoy ang mga bagets na manonood sa five to 10 songs na kakantahin ng bawat banda. Kakanta rin sina Atty. Adel Tamano at Gilbert Remulla, pati si Valerie Concepcion na kasama ni Cristine Reyes na magho-host ng concert. Sabay sa concert ang launching ng BDaBOSS (Be the Boss) at marami pang events ang mangyayari, kaya sugod na! Alas-kuwatro magsisimula ang registration at susunod ang concert. * * * NAGSIMULA kahapon ang audition ng StarStruck V sa SM City Naga at tatagal hanggang bukas ang paghahanap sa bagong ibi-build-up ng GMA-7. Alas-diyes ng umaga ang simula ng audition at hanggang hapon na ito. Tiyakin lang na 16-23 years old kayo, may singing, dancing, acting talent at may face value. Magdala ng original o photocopy ng birth certificate, close-up and whole body pictures at ang below 18 years old, magdala ng original o photocopy ng valid ID at written consent ng parents n'yo. Source: People's Tonight |