Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sunshine tsugi na sa shows ng Kapuso

Author: Lito Mañago
Column: Hot Sources

TIYAK na mami-miss ng fans ang aktres dahil tinanggal na siya sa Tinik Sa Dibdib.

Si Nadine Samonte ang ipinalit kay Sunshine nang magdesisyon ang management ng GMA-7 na alisin na lang siya sa afternoon series dahil diumano sa pagiging unprofessional nito.

Hindi raw sinipot ng da-laga ni Dorothy Laforteza ang two taping days ng Tinik Sa Dibdib dahil sa pani-nita ni Direk Gil Tejada kay Sunshine kaya nagsumbong na si Direk Gil sa management ng Kapuso.

Maliban sa serye, tinanggal na rin si Sunshine sa StarStruck V kung saan isa sana siya sa council ng original reality-based artista search ng Siyete. Hindi na rin siya mapapanood sa Unang Hi-rit at SOP.

Sa presscon ng Bitoy's SHOwwwTime nitong Martes ng gabi, si Sunshine ang naging topic ng usapan.

Nati-tsismis itong buntis at lalong lumakas ang hinala ng ibang press nang ma-laman nilang balak daw ng aktres na magtungo sa Amerika at pansamantalang mamalagi roon.

Itinanggi naman ito ng kampo ni Sunshine.

Wala raw katotohanan ang isyu ukol sa dalaga.

Nakatakda nang mag-taping sa Tinik Sa Dibdib si Nadine this Monday.

At kahit nasa Germany pa ito'y tuwang-tuwa raw nang malamang unanimous choice siya ng GMA bilang kapalit ni Sunshine sa serye.

The StarStruck 1 gra-duate will cut short her trip sa Germany, where she vi-sited her father, para sa isang magandang oportunidad na ibinigay sa kanya ng GMA-7.

Nakatakdang dumating si Nadine sa Sabado ng uma-ga.

* * *

SA joint birthday party ce-lebration nina Jun Nardo at Allan Diones sa Artiaga re-sidence ng mga Ejercito kamakailan lang, we asked Tita Malou (Choa-Fagar, TAPE's SVP) kung naki-kipag-usap na ba sa kanila ang GMA-7 para sa rene-wal ng kontrata ng Eat Bulaga.

Sa pagkakatanda namin, Eat Bulaga's 5-year contract with GMA will expire on Dec. 31. Ayon kay Tita Malou, may ipinadala nang kopya ng kontrata at pirma na lang ni Mr. Tony Tuviera (TAPE's big boss) ang hi-nihintay.

Ibig sabihin nito, mana-natili pa rin sa GMA-7 ang longest running noontime show on TV. May threat sa Internet ang loyal fans ng Eat Bulaga at afraid silang hindi i-renew ng Kapuso ang kontrata ng TAPE, Inc.

Idinagdag pa ni Tita Ma-lou na wala siyang nakikitang rason why they should transfer to another network.

Maayos daw kausap ang Kapuso at kung hindi ay hindi sila tatagal nang mahigit 15 years dito.

Sa GMA-7 pinakama-tagal na nag-stay ang Eat Bulaga.

* * *

HINDI na mapapanood ang Bitoy's Funniest Video hos-ted by Asian TV Awardee for Best Comedy Actor na si Michael V, dahil papalitan na ito ng Bitoy's Showww Time.

Maganda ang paliwanag ni Michael V sa tanong kung bakit pinalitan ang Bitoy's Funniest Video samantalang mataas ang rating nito kumpara sa kalabang programa sa ABS-CBN.

"Kailangan mag-adopt tayo sa time. Alam mo naman ang GMA-7, laging may karampatang reactions sa lahat ng actions na ginagawa ng panahon," ani Bitoy.

May pagkakahawig man sa Talentadong Pinoy ng TV5, pero kakaiba pa rin daw ito sa show ng network ng mga Cojuangco.

"Bukod sa pagiging international, dahil hindi lang kami nag-focus sa Pilipinas kungdi maging sa buong mundo rin, at kami na mismo ang naghanap ng mahuhusay na mga Filipino sa bu-ong, at bukod diyan, 'yong premyo, malaki. "

In Bitoy's Showww Time, gaganap si Michael V bilang futuristic emperor in search for the best skilled Pinoy. With his loyal jester, Mang Enriquez, Michael V will present his discoveries in one hilarious hour sa pa-mamagitan ng apat na segments -- Talbugan, Video-kariran, Facemuk at Gaya Mo 'Yun?

Bitoy's Showww Time starts airing this Saturday pagkatapos ng Celebrity Duets.

Source: Taliba