|
|
| Sunshine-Polo loveteam magbabalik sa TVAuthor: Noel Asiñas BALIK-TAMBALAN ang loveteam nina Sunshine Dizon at Polo Ravales sa "Kay Tagal Kitang Hinintay" episode ng Dear Friends na mapapanood this Sunday pagkatapos ng SOP. Matagal na ring hindi nagkaka-partner ang dalawa pero inamin ni Sunshine na sa mga naging ex-BF niya, si Polo ang naging kaibigan niya. At dahil friendship pa rin sila ni Polo, madaling napapayag si Sunshine na tanggapin ang project . Hindi kaya dahil loveless daw ngayon si Sunshine ay may mabuo muling sweetness sa dating mag-dyowa? Kasama rin sa episode na ito ng Dear Friend sina Mel Martinez, Dinky Doo, a t Princess Violago. * * * MAY isang salita si MMDA Chairman Bayani Fernando. Kaya kapag sinabi ni-yang lalaban siya nang husyo para makuha ang nominasyon bilang opisyal na kandidato sa pagka-Pa-ngulo ng Lakas-Kampi-CMD party sa 2010 elections, tiyak niyang gagawin ito. At nais din niyang isulong ang reporma ng partido sa mga patakarang pampulitika lalo na sa pagpili ng official candidates. Ayon kay Fernando, panahon na para itaas ng partido ang pamantayan sa moral fitness, kakayahan at public service sa nagnanais maging standard bearer ng partido. "Dapat tanggalin natin ang traditional politics at ang kasamaang kaakibat ng popularidad, pakiki-pagkasundo sa kaaway at pagsuko sa interest groups," giit ni Fernando. * * * IBINALITA ni Mr. Jaime Acosta, president ng Psamstre Enterprise,Inc. , na ang dating image model niya sa New Placenta soap na si Mystica ay nagbabalik-showbiz. Dumating the other week ang controversial na si Mystica mula sa America. Kaya ngayong nagbabalik-showbiz si Mystica, magiging visible muli ang magaling na singer-dancer sa pagpo-promo tour sa iba't ibang panig ng bansa. * * * KAUGNAY ng layuning makatugon sa mga panga-ngailangang pangkalusugan ng mga mahihirap nating kababayan, ang Philippine Movie Press Club (PMPC), sa pakikipagtulungan ng UNTV-37 at ni Kuya Daniel "Mr. Public Service" Razon ay magsasagawa sila ng medical mission at charity show para sa mga residente ng Payatas, Quezon City. Ito'y ganapin sa Hulyo 12,mula alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Inaasahang dadalo sa medical mission at charity show na ito ang ilang malalaking artista, sa pangunguna ni QC Vice Mayor Herbert Bautista gayundin ang kasalukuyang konsehala ng Quezon City na si Aiko Melendez at si Alfred Vargas na matagal nang residente ng QC. May tie-up ito sa mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng PAGIBIG at PhilHealth. Partikular na gustong tulungan ni Kuya Daniel Razon, sa pamamagitan ng medical mission, ang Philippine Movie Press Club (PMPC), na sa taong ito'y nasa ilalim ng pamumuno ni Roldan F. Castro. Source: People's Journal |