Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Suntok kay Jomari, tinutoo ni Geoff?

Author: Nitz Miralles

First time magkakasama sa pelikula ang mag-best friends na sina Sen. Bong Revilla at Phillip Salvador at sa Panday pa, tribute ng una kay Fernando Poe Jr. , kaya double special ang pelikula para sa magkaibigan.

Kung si Bong si Flavio, wala naman siyang ibang choice sa role ni Lizardo kundi si Phillip.

Bago i-offer ang role, ikinuwento muna ni Bong na gagawin niya ang Panday at nakiramdam kung gusto ni Phillip ang role.

After one week na pag-iisip, tinanggap nito ang role ni Lizardo.

"Natutuwa ako dahil sinusuportahan ako ni Kuya Ipe sa drama scenes ko. Kung ibang Lizardo ang ginawa niya, iniba ko rin si Flavio, long hair siya, kaya nahihirapan ako sa Senado," wika ni Bong.

Birthday ngayon ni Bong at kahapon ang ground breaking ng ipatatayo nilang hospital sa Bacoor, Cavite.

Ang birthday wish ni Lani Mercado sa asawa'y maging box-office success ang Panday at muli siyang manalong senador sa 2010 elections.

* * *

Natupad ang dream nina Kris Bernal at Aljur Abrenica na magkaroon ng endorsement dahil sila ang bagong endorsers ng Bench.

Today ang sinasabing "sizzling launch ng hot new pair" at abangan natin kung muling rarampang topless si Aljur.

Sinusuwerte sina Kris at Aljur dahil nauna nang natupad ang dream nilang magbida sa show ng GMA-7 at magkaroon ng launching movie dahil showing na sa September 30 ang Nandito Ako...Nagmamahal sa 'Yo at ngayon ay endorsers na sila.

Tungkol pa rin sa pelikula, sabi ni Kris, lasang matamis na bubble gum ang labi ni Aljur dahil nagba-bubble gum sila bago kunan ang marami nilang kissing scene.

May isang kissing scene na umabot ng five minutes, na 'di naghiwalay ang mga labi nila.

Nasaktan pala si Kris sa "lie" result ng lie detector test ni Aljur sa tanong kung mahal siya nito, pero walang dapat ipaliwanang ang kapareha dahil 'di 100 percent accurate ang test at napi-feel daw niyang mahal siya ng ka-loveteam.

* * *

Masaya sina Ogie Alcadid at Michael V sa first day box-office result ng Yaya and Angelina.

Sa Metro Manila, kumita ito ng P6 million.

May mga sinehan dito sa Metro Manila at sa probinsya na 'di palabas ang pelikula, pero dahil sa positive word of mouth, madaragdagan ang manonood nito.

Ang maganda pang balita, baka magkaroon ng sequel ang Yaya and Angelina dahil marami pang mapupuntahan ang istorya at adventure ng mag-yaya.

* * *

Tsika sa set ng Rosalinda, nadala si Geoff Eigenmann sa suntukan scene nila ni Jomari Yllana na umere last Wednesday.

Kahit may blocking, natamaan pa rin niya ng suntok ang mukha ni Jomari, na tinanggap naman agad na pagso-sorry ni Geoff.

Hindi kaya tinutoo ni Geoff na suntukin si Jomari dahil totohanan na ang pagseselos niya rito?

Sa Rosalinda mamaya, maniniwala si Fernando Jose na 'di si Rosalinda si Paloma dahil itatakwil ang anak, pero ang 'di alam ng lalaki, iiyakan ni Rosalinda ang ginawa.

Pupunta si Rosalinda sa condo ni FJ, si Soledad ang kanyang makikita at tinawag niyang inay.

Magugulat din si Fedra (Katrina Halili) nang makita si Rosalinda at iinsultuhin niya, pero lalaban ito.

* * *

Ibinalita ng office ni Sen. Loren Legarda na ang 25-minute animation film na Ligtas Likas ay isa sa mga napiling ipalabas sa 1st SM Green Film Festival na nagsimula last Wednesday sa SM North Edsa.

May free screening din ang Ligtas Likas sa Cinema 6 ng SM Megamall sa Sept. 30, 2 p. m. , at sa Cinema 3 ng SM Mall of Asia, 8 a. m.

Nauna nang ipinalabas sa Shangri-La Cineplex ang animation film tungkol sa tamang pangangalaga ng environment na dinaluhan ng elementary students mula Guadalupe, Makati at Pasig City.

* * *

NGAYONG Biyernes sa Stairway to Heaven, lalapitan na sana ni Jenna (Rhian Ramos) si Cholo (Dingdong Dantes) na patuloy na tumutugtog ng piano nang magyayang umuwi si Charlie (TJ Trinidad).

Muntik magkita sina Cholo at Jenna nang humarang ang car ng una sa car nina Jenna at Charlie, naudlot lang nang pigilan ni Charlie na bumaba ng sasakyan ang dalaga.

Bilang manager ng amusement park, magpapa-contest si Cholo ng mural painting, mababasa 'yon ni Jenna at balak isali si Charlie, kaya pupunta sila ni Badet (Karen delos Reyes) sa mall.

Muntik nilang makasalubong sina Eunice (Glaiza de Castro) at Maita (Jean Garcia). Habang pababa sa elevator, makikita ni Cholo si Jenna.

Source: People's Tonight