|
|
| Suporta ni Robin, kailangan ni AdelAuthor: Nitz Miralles Ipinakilala ni Dra. Vicki Belo si Atty. Adel Tamano as the newest Belo endorser. Bagay ang tagline ng billboard ni Atty. Adel na "smart is the new sexy" at smart din ang isa sa mga description ni Dra. Belo sa bago niyang endorser, plus intelligent, sexy at guwapo. Gusto ring ipakita ng Belo na hindi lang puro artista ang kinukuha nilang endorser. Nangako rin ng suporta si Dra. Vicki sa pagtakbong senador ni Atty. Adel. Sabi nito: "This guy is honest, hard working, non-trapo politician at mahal ang bayan natin. Makakatulong siya sa bayan natin. Of course, he's also perfect endorser for Belo. " Tuwang-tuwa si Atty. Adel nang iparating ang suporta ni Dra. Vicki sa kanya at kung may gugustuhin pa siyang mag-i-endorse sa kandidatura niya'y si Robin Padilla 'yun. "Kapwa ko siya Muslim, we're both doing civic work, pero 'di ako magagalit kundi niya ako i-endorse. " Nagbiro si Atty. Adel na careful na siya sa kanyang appearance dahil 'di na lang siya lawyer, endorser na rin ng Belo. May paliwanag ito kung bakit green ang napili niyang color. "Green is Muslim color which means peace. Sabi rin ng feng shui experts, orange can only be yellow if there's only a bit of green. " * * * Galing sa storycon ng Full House si Richard Gutierrez bago ma-interview ng press noong Lunes para naman sa promo ng Patient X. Si Mark Reyes ang director ng Pinoy adaptation ng rom-com series at makakasama niya sina Patrick Garcia sa role ni Luigi, Isabel Oli sa role ni Lorraine at Heart Evangelista sa role ni Jessie. Ayon kay Richard, mala-Best Friend's Girlfriend ang gusto nila ni Direk Mark na dating ng Full House at mid-October na ang start ng taping. Naghahanda na siya sa gagampanang role at sa halip na Justin, Wayne ang pangalan niya. By next week, napili na ang house na gagamitin sa Full House na may major participation sa series. Source: People's Tonight |