|
|
| Susan may request kay Da KingAuthor: Chan-Chan Torres Emosyonal na ibinahagi ng Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Ms. Susan Roces ang mga alaalang iniwan ng yumaong si Fernando Poe, Jr. hindi lamang sa kanilang pamilya kundi sa industriya ng pelikula at telebisyon. Sa presscon ng Alay Ni Da King: An FPJ Special, isa-isang binalikan ni Tita Susan ang magagandang alaalang pinagsamahan nila ng yumaong asawa, pati na rin kung gaano ito kabuti sa kapwa niya. Hanggang sa nagdesisyon si FPJ na pumasok sa pulitika, unfortunately, hindi naging maganda ang tadhana para kay Da King. "Matapos sumabak ni FPJ sa larangan ng pulitika nu'ng taong 2004, nag-umalab ang damdamin ng sumuporta kay FPJ sa naging resulta ng eleksyon. " panimulang sabi pa ng may-bahay ni Da King. Hindi rin daw ang tipo ni FPJ ang maging bitter at mag-dwell sa mga negatibong bagay na nangyari sa buhay niya kaya matapos ang mga kaganapan nu'ng eleksyon ay naging abala si FPJ sa pagpi-preview ng mga lumang pelikula niya. Nilapatan umano niya ng musika ang mga footage at ito ay mapapanood nating lahat sa FPJ special. Ayon pa kay Tita Susan, malamang ay ito raw ang gustong ibahagi ni FPJ sa lahat ng nagmamahal sa kanya sa industriya. Na hanggang sa huling sandali ay ito ang kanyang iniisip. Tinanong din ang dakilang may-bahay ni FPJ, na kung hindi kaya siya ang naging asawa ni FPJ, how would she describe him as an actor or colleague? "In his lifetime, it was never mentioned dahil ayaw niya. Ngayon wala nang magagalit sa akin 'pag umuwi ako sa bahay. " Inisa-isa ni Tita Susan ang mga nagawa ni FPJ bilang artista nu'ng Sampaguita days pa lang nila. Akalain niyong dahil maliit lang daw pala ang sahod ng mga artsita noon, si FPJ ang nagsilbing tulay para mataasan ang wage ng mga talent noon. Ito ay nagsimula nu'ng naipalabas na sa American house ang pelikula ni FPJ na at that time siya raw ang unang pinoy actor to have his films shown sa sinehang 'yun. Siyempre, hindi na rin sikreto ang magandang trato ni FPJ sa mga ka-trabaho niya. Mula sa crew hanggang sa leading ladies niya, sobrang inaalagaan daw niya ang mga ito. May respeto at makatao talaga si FPJ. Ilang beses na rin naming narinig ang ganitong pagsasa-larawan kay Da King. Kaya talagang dream come true 'pag naka-trabaho mo siya. May kurot sa puso ang sinabi ni Tita Susan na , oo nami-miss niya si FPJ. Hindi raw totoo ang sinasabi ng lahat na habang tumatagal ay lalong nawawala ang sakit. Para sa Reyna ni Da King, laging may kirot at wish lang daw niyang isang araw ay panaginip lang ang lahat. Na muling magpapakita si FPJ sa kanya. Biro pa ni Ms. Susan Roces, "Ronnie, 'yung buo, ha? 'Wag see-through lang. " Abangan ang buhay at alaalang handog ni FPJ sa atin. Sa December 9, 9p. m. sa ABS-CBN. * * * Bonggacious ang ginanap na Kapamilya Christmas Press Party recently, huh? Gusto naming pasalamatan ang pamunuan ng Corporate PR na si Mr. Bong Osorio sa pagbibi-gay-halaga sa mga entertainment press na sumusuporta at nagmamahal sa shows at talents ng Dos. Nag-enjoy ang lahat sa games at talagang kinabog ng mga kapatid namin sa panulat ang mga contestants sa Miss Universe nu'ng sila'y rumampa in their most colorful outfit, noh? Congrats kay Rommel Placente at Favatini na-nag-tie. Ipinapaabot din namin ang aming pasasalamat sa staff ni Mr. Osorio na sina Kane Choa, Kathy Solis, Lorie Dionisio, Camille at Benjie. Siyempre, ever-present ang big bosses ng Dos na sina Ms. Cory Vidanes at Ms. Charo Santos-Concio, na talagang ever glamorous at poised habang nagbibigay ng speech. Congrats sa lahat ng nagwagi! * * * Nakita namin si Valerie Concepcion sa nasabing okasyon at agad naming tinanong kung kumusta naman ang kissing niya with Manny Pacquiao? Okay lang daw at isang take lang kinunan ang eksena. Agad naming tinanong ang cohost ni Willie Revillame kung ano ang lasa ng halik ni Pacman? Wala raw kasi sandali lang kinunan. Ganoon? Source: Taliba |