|
|
| Sweetness nina Jennica at Mart ibinuko ng direktorAuthor: Noel Asiñas NAGPUNTA si Jennica sa Los Baños, Laguna na nilalagnat nu'ng Biyernes dahil hindi siya puwedeng mag-absent sa last taping day ng "3Bachelors" episode ng Dear Friend na palabas next Sunday. Dapat ay this Sunday ito mapapanood pero na-preempt ng SOP dahil may laban sa boxing. Sa set, ibinuking sa amin ni Direk Jun Lana ang sweetness ng dalawa habang nasa waiting area ng taping. Hindi umano umaalis si Mart sa tabi ni Jennica at talagang inaalalayan ito nang husto. Siya rin ang tagabi-gay ng gamot at pagkain sa dalaga ni Jean Garcia. At dahil super-alaga ni Mart, may time itong makipag-tsikahan sa press na bumisita sa kanila nina Mart at JayR. Aminado naman si Jennica na very sweet sila ni Mart ngayon at two months nang nagpupunta sa bahay nila si Mart para muling manligaw at kapag walang taping ay madalas ding naguusap sa phone. Hindi man nila aminin, parang sila na talagang dalawa. * * * NAKIPAGKUWENTUHAN din si JayR sa press at sinabi nitong after six years ay nakatambal na rin niya sa mini-series si Kyla, ang first loveteam niya sa SOP. Kuwento ni JayR, med-yo kabado raw si Kyla sa mga eksena nila, lalo na 'yung kissing scene nila dahil ikakasal kasi sila ni Kyla sa istorya. Nanghihinayang din daw si JayR na hindi nagkaroon ng pagkakataon na ligawan si Kyla noong hindi pa nito BF ang basketbolistang si Rich Alvarez. Si JayR naman ay break na sa GF niyang si Liza, isang non-showbiz girl. Pero sinuwerte naman si JayR sa episode na ito ng Dear Friend dahil nahalikan niya sa lips si Kyla. Ayaw pa nga ni Kyla pero kailangan sa istorya dahil bagong kasal sila. Happy si JayR kasi may bago siyang soap na ang last assignment ay ang LaLola. * * * INAMIN ng production people ng ABS-CBN 2 na No. 1 choice sa role na Vivian si KC Concepcion para sa Pinoy version ng Lovers in Paris. Swak kasi ang character kay KC dahil talaga namang tumira siya sa Paris, France kung saan siya nagtapos ng kolehiyo. Sa totoo lang, ibang-iba ang buhay ni KC kumpara sa character niya sa Lovers in Paris. Hindi kasi siya nakaranas ng hirap sa buhay dahil she was born with a silver spoon, 'ika nga. Pero nang magtaping sila sa Smokey Mountain ay hindi niya alintana ang baho at dumi ng kapaligiran. Sa Lovers in Paris ay ka-love triangle nila ni Piolo Pascual si Zanjoe Marudo, at mapapanood na ito sa Sept. 28 kapalit ng Tayong Dalawa. * * * SA Joey's Quirky World, mapapanood ngayong uma-ga si Joey de Leon at una niyang bibisitahin ang Romania para saksihan ang mga tradisyon doon tuwing nagpapakasal. Tapos, pupuntahan niya ang Thailand para sa iba't ibang religious traditions doon. May children game din, labanan nina Cookie at Belli with their Quirkids. * * * MAY SOP ngayong Sunday at live na live itong mapapanood. Star-studded din ito at abangan ang launching ng Ikaw Sana, tampok sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, at Pauleen Luna. * * * AS usual, always present si Sen. Bong Revilla sa kanyang Kap's Amazing Stories at ikukuwento ang buhay ng mga tao na ngayon lang ninyo masasaksihan. Nag-last taping day na rin ang Ang Panday sa Tanay, Rizal na pinasikat ni Fernando Poe Jr. noon. Source: Taliba |