|
|
| Syuting ng 'Mano Po 6,' naudlot dahil kay OndoyAuthor: Nitz Miralles Noong October 1 pa dapat ang first shooting day ng Mano Po 6 na hindi natuloy at wala pang balita kung kailan sisimulan ni Direk Joel Lamangan ang shooting. Siguradong sira na ang shooting schedule na from October 1 to end of November dahil kay Ondoy. Dapat din ay third week ng November ang alis ng cast na may mga eksena sa Beijing, China. Kompleto na ang cast na pangungunahan nina Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, Dennis Trillo, Glaiza de Castro, Erich Gonzales, Sid Lucero, Eda Nolan at Christopher de Leon. Ang gaganap na lang sa role ng anak ni Sharon ang 'di pa napipili o ayaw pang ipaalam ng Regal, role na in-offer kay Angel Locsin, Marian Rivera at Heart Evangelista. The most expensive Mano Po movie raw ito sa rami ng big scene at 'yun agad ang sinabi ni Direk Joel kay Mother Lily nang mabasa ang script. After Madrasta, ngayon lang magsasama uli sina Sharon at Zsa Zsa at first time mapapanood si Zsa Zsa as the very bad and very mean kontrabida as per her request. First movie rin ito ni Sharon sa Regal Entertainment. * * * Kasama si Glaiza de Castro sa cast ng Mano Po 6 at masaya ito sa napuntang role sa kanya bilang young Sharon Cuneta. Natsa-challenge ang aktres dahil kailangan niyang galingan ang acting para hindi ma-disappoint ang fans ni Megastar. Nanghihinayang lang si Glaiza dahil wala silang eksena together ni Sharon at sa presscon at promo lang sila magkikita. Nasa cast din dapat si Glaiza sa isa sa mga episodes ng Shake, Rattle & Roll X, pero hindi niya natanggap dahil hindi kaya ng kanyang schedule dahil nagti-taping pa siya ng Stairway to Heaven. Kung nagkataon, dalawa sana ang entries niya sa MMFF. Anyway, sa Stairway to Heaven this Monday, gusto nang palayain ni Cholo (Dingdong Dantes) si Jodi (Rhian Ramos), pero nang nakatingin siya sa carousel, nakita niya si Jodi na nakasakay. Matagal bago nito na-realize na totoong si Jodi ang nakita niya. Tuwang-tuwang lalapitan at yayakapin ni Cholo si Jenna at ipipilit na si Jodi ito. * * * Ang ganda ng backstory ng karakter ni Ehra Madrigal sa Darna bilang si Armida at bago naging Babaing Lawin. Sa episode last Friday, nalaman nang kapatid ni Babaing Lawin si Fr. Mateo (Eddie Garcia) at kung bakit galit sa kanya si Perfecta (Celia Rodriguez). Sa susunod na episode, malalaman din kung bakit siya nalumpo. Dusa sa pagda-diet si Ehra para sa role niya, pero hindi pa siya happy sa 8 lbs. na nawala dahil malaki pa rin siya sa screen sa kanyang costume. Kaila-ngan din niyang magpapayat bilang paghahanda sa Christmas season. Hindi alam ni Ehra kung hanggang kailan ang partisipasyon niya sa Darna, pero natutuwa siya na kahit more than one week pa lang siya lumalabas, kilala na siya ng viewers lalo na ng mga bata. Kapag nakikita nga raw siya, ang pakpak niya ang hinahanap. * * * Bilang festival director ng OUT and UP Program ng UP Film Center, ipinaalam ni Noel Ferrer na tumatanggap na sila ng entries para sa gagawing The 1st Pinoy Queer Film Festival, the new film festival for local LGBT-themed full-length digital motion pictures. Sa October 16, ang deadline at sa November 23-December 1 ang film festival. Tatawaging Fab Five ang finalists na pipiliin ng committee of film experts at academician. Ihahayag din sa filmfest ang result ng survey ng best Filipino gay film at ang tatanggap ng 1st Fab Icon Award, a lifestyle achievement award for a celebrity figure adored sa LFBT circles. Ang OUT and UP is presented by UP Office for Iniatives in Culture and the Arts, the UP Diliman Information Office, UP College of Masscom, and the UP Film Institute. Venues ng festival events ay ang UP Film Institute, Cine Adarna, Ishmael Bernal Gallery & Videotheque. * * * Malaking tulong sa mga naghahanap ng trabaho ang job fair na gagawin ng Office ni Sen. Loren Legarda in cooperation with DOLE, Pasay City government at PESO Association of Metro Manila. Gagawin sa Cuneta Astrodome sa October 7, 8 a. m. to 4 p. m. ang job fair. May 50 local at 50 overseas employment ang hinahanap, a total of 14,000 job vacancies ang pupunuin. Samantala, may feeding at relief operations si Sen. Loren sa Tumana at Industrial Valley sa Marikina kahapon for 5000 families. Namigay na rin siya ng relief goods sa Laguna, Malabon, at San Mateo. Ang relief operations ay under sa Lingkod Ni Loren program ng senador. * * * Marami pala ang nanonood ng Shining Inheritance, ang Korean novela ng GMA-7 kahit 'di kilala ang Korean stars na bida nito. This Monday, ibibibay na ni Lola Aurea ang kanyang "Shining Inheritance" kay Inna na ikinagulat at ikinagalit nina Juan at Joanna, mga apo ng matanda at manugang nitong si Sonia. Walang alam si Inna na magbabago ang buhay niya , samantalang mapipilitang pumasok na waitress si Joanna at delivery boy naman si Juan. May mangananib ding makulong 'pag hindi nagtrabaho. Napapanood ang Shining Inheritance after Survivor Philippines: Palau. Source: People's Tonight |