Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

TF ni Willie sa presidentiable, nine-figure?

Author: Ogie Diaz
Column: May Ganu'n?

Nag-iwan ng misteryo si Willie Revillame sa audience ng Wowowee sa pamamagitan ng mga salitang, "May tutulong na po sa inyo sa 2010!" At isa pa: "May aaminin po ako sa inyo!"

Halos lahat, tumalon sa konklusyon na tatakbo nga si Willie bilang senador sa 2010. Kung hindi man senador ay congressman (saan, sa 3rd District ng QC, dahil taga-Corinthian Hills siya sa Bgy. Ugong Norte)?

Ang alam namin, may ie-endorsong presidentiable si Willie sa 2010. At kung hindi rin nagkakamali ang aming source, ito'y si Mr. Sipag at Tiyaga, si Sen. Manny Villar.

Magkano? Ang sey ng aming source, sobrang laki ng halagang nakataya sa endorsement ni Willie.

Totoo bang nine-figure ito?

* * *

Tumawag sa amin si Manilyn Reynes nu'ng Miyerkules ng gabi para magpasalamat, dahil hindi namin agad pinaniwalaan ang isang babaing tumutugon sa pangalang (pahiram, Anthony Taberna at Gerry Baja!) Lalaine Garcia-Jimenez na ang claim to fame ay merong five-year-old kid sa kanya si Aljon Jimenez.

Kung sinu-sinong reporter na ang mine-message ng naturang babae sa Facebook at sinasabing handa siyang magsalita kung sakaling itatatwa ni Aljon ang anak nito sa kanya.

"In-accept ko lang siya sa Facebook, tapos, 'yun na nga ang claim niya, may anak ako sa kanya. Ni hindi ko nga siya nakikita nang personal, eh. Nakakabuntis pala ang Facebook?" biro ni Aljon.

Ang nakakalokah dito sa babaing ito, nagtatago sa isang litrato na hindi pa sure sina Aljon at Manilyn kung ito nga ang totoong picture ng nagtatago sa pangalang Lalaine o isa lamang itong kakilala nila ni Mane na gustong sirain ang kanyang pamilya.

"Ire-research ko talaga kung sino ito, sasabihin ko sa 'yo 'pag na-discover ko kung sino 'to," sey pa ni Aljon.

Sino kaya 'tong gagitang 'to, Mareng Ian?

* * *

Bago naman tumulak patungong Dubai nu'ng Wednesday si Rufa Mae Quinto ay nai-phone-patch namin siya sa aming radio program at pinanindigan ni P-Chi ang kanyang sinabi sa SNN na si DJ Mo Twister ang kanyang tinutukoy na naturingang co-host niya sa Showbiz Central ay "inilaglag" siya during his interview kay Dra. Vicki Belo.

"Sana man lang, naisip niya na kasama niya 'ko sa show, 'di ba? 'Yan ang taong napaka-insensitive talaga sa feelings ng kapwa niya. Makapagpakontrobersiyal lang. "

Hindi ba nila na-resolve ang problema? "Naku, 'no! Ewan ko sa kanya. Basta ako, pagbalik ko, magtatrabaho na lang ako kesa magpaapekto sa kanya!"

At nu'ng may magtanong na texter kung feeling din ba ni Rufa Mae, sa katabilan ng dila ni DJ Mo, eh, isang araw, may sasapak na lang sa TV host?

"Oo nga. Malamang, ganu'n na nga ang mangyari. Hahaha! Makakakuha rin siya ng katapat!"

* * *

Very impressive ang trailer ng T2, in fairness, huh! Ang daming tanong sa isip namin after mapanood ang trailer. Paano sumulpot ang mga maligno? Bakit ang batang si Mica dela Cruz ang pinupuntirya ng mga ito?

Maililigtas kaya siya ng bidang si Maricel Soriano? Tulad din ba ng ibang pelikulang suspense-thriller ni Direk Chito Roño ang T2 na isa-isang namamatay ang mga character at sino ang matitirang matibay?

Mga paniniwala tungkol sa engkanto ang kuwento ng T2, we're sure, kung matanda ka't laking probinsiya, eh, makaka-relate ka sa kuwento nito.

Eto ang comeback movie nina Camille Prats at Eric Fructuoso.

Sabi ni Eric, "Alam mo ba, Ogs, nagda-dub ako ng movie, kalalaki kong tao, nagugulat talaga ako sa mga eksena? Ang galing ni Direk Chito sa suspense. Aatakehin ka talaga sa puso. Buti na lang, wala akong sakit sa puso!"

* * *

'Wag n'yong kalilimutang makinig sa Wow! Ang Showbiiiz! sa DWIZ 882 o 'di kaya ay sa www. dwiz882. com, 11 a. m. -12 noon.

Source: People's Tonight