|
|
| TV King, bagong titulo ni Direk CarloAuthor: Nel Alejandrino NAKU, Ian F. , huwag tayong magtaka kung makopo ni Direk Carlo J. Caparas pati ang titulong âTV King,â bukod sa dalawang titulong kasalukuyang nakapatong na sa kanyang ulo, ang Box-Office King at Komiks King. Yes, sa lahat ng genre where he excels in, si Direk Carlo ang nangunguna. As we all know, he earned the Box-Office King title, dahil sa rami ng pelikulang dinirek niya na pawang kumita sa takilya. Eh, madalas ding ang box-office movies na ito ay based sa stories na siya rin mismo ang may likha at akda. Karamihan din sa stories na ito ay komiks novels he authored, which earned him the Komiks King title. Showbiz columnist Ronald Constantino describes Direk Carloâs work as not just novel but timeless as well. No wonder, it can relate even to the current generation. Most of Direk Carloâs komiks novels are also in demand for tv adaptation. At ang lalong kahanga-hanga ay top-rated ito usually. Pinakamagandang halimbawa na ay ang telefantasyang Gagambino, na sinimulang i-serialize sa GMA-7 noong Lunes. Topbilled by Dennis Trillo, Gagambino earned a 34. 5 percent rating, the highest earned by any tv show that day. Joaquin Bordado, which had Robin Padilla playing the title role, and Codename: Asero, pinangungunahan naman ni Richard Gutierrez, are top-raters as well. Inaasahang lalong lalawak ang pangalan ni Direk Carlo bilang tv novelist at writer ngayong sisimulan ang isa pa niyang komiks novel, Pieta, sa ABS-CBN 2 naman. Itinuturing ni Direk Carlo na isa sa kanyang most popular masterpieces ang Pieta, dahil dalawang ulit itong isinapelikula. Ang una, pinangunahan ng ngayoây namayapa nang si Ace Vergel. Ang pangalawa, si Senator Bong Revilla naman ang bida. âHinango ko ang istorya ng Pieta sa tunay na buhay,â ani Direk Carlo. âKuwento ito ng isang ina at ang kanyang unconditional love for her son. â * * * Ryan Agoncillo plays the role Ace and Sen. Bong previously portrayed. And Ryan admits itâs a challenging one. Noon nga raw unang iprisinta sa kanya ang istorya at binasa niya ang papel na ipu-portray niya, kinilabutan siya. Si Direk Carlo mismo admitted that he himself was wary na ABS-CBN chose Ryan na gumanap sa papel ni Rigor. Nabanggit daw niya ito kay Direk Toto Natividad. âPero, nang mapanood ko ang teaser, na-realize ko kung bakit sa kanya (Ryan) ipinagkatiwala ng ABS-CBN ang napakahalagang papel ni Rigor,â sabi ni Direk Carlo. Eh, si Cherie Gil, ano ang masasabi niya bilang martyr-mom na si Amanda? âNoon pa man, hanga na ako sa talento ni Cherie bilang artista,â sagot ni Direk Carlo. âShe even won an award for one of the characters na kanyang ginampanan sa isa sa mga nobela ko, ang God Save Me. â Equally admirable ang iba pang Pieta stars. John Regala plays the scheming Miguel, who claims na siya ang tatay ni Rigor. He wants to seek revenge against Amanda. Another claimant na tatay siya ni Rigor ay si Jestoni Alarcon, na bilang Delfin ay kalaban ni Miguel. Kay Krista Ranillo naman itinoka ang papel bilang lady love ni Ryan. Others in the cast are Jason Abalos, Janus del Prado, James Uy, Lyka Ugarte, DJ Durano, Ynez Veneracion and Alessandra de Rossi as the young Amanda. Child stars Jairus Aquino and Paul Salas are also featured. Source: People's Tonight |