|
|
| TV idols, na-bodegaAuthor: Chit Ramos Buhat nang makilala sila ng 32-year-old na negosyanteng na-feature sa "Home Boy," marami silang natuklasan tungkol sa success story nito. Kinuha pa silang endorser ng Tito Aga's Food Chain na may 20 outlets sa Metro Manila, not to mention ng 28 "Bodega ng Bayan" stores nito. Pang-"Maalaala Mo Kaya" ang istorya ng buhay ni Rico (palayaw niya). Naglilimas lang kasi siya dati ng sapa para makakuha ng isda at umaakyat ng puno para manguha ng sampaloc. Isang insidente ang na-enkwentro niya sa highway na nagbukas ng pagka-kataon para masimulan niya ang isang business. "Nakita ko pong na-stranded ang isang sasak-yan at instinctively ay lumapit ako para tumulong. Binuksan ko ang makina, tsinek ang wirings, pinukpok ang connection ng baterya. Awa ng Diyos, umandar ang kotse. Natuwa po sa akin ang mama at kinuha niya akong maging empleyado sa company niya na nag-i-import ng appliances," kwento niya. Habang nagtatrabaho, naihinga ni Rico ang hangaring mag-start ng isang maliit na business at tinulungan siya nito. "Noong una, naglagay muna ako ng tabo, hanger, mga baso at ibang gamit sa bahay. Sa kanya ko kinuha ang stocks ko sa lugar na tinatawag kong "Bodega ng Bayan." In less than four years, malayo ang narating ng kanyang pagsisikap. Nabigyan nga siya ng recognition sa 2002 Philippine Young Professional Awardees for Business and Enterprenuership ng National Consumer Affairs Foundation. Mahigit 600 na ang employees niya ngayon. Binuksan naman niya ang ika-20th outlet ng kanyang Tito Aga's Food Chain kung saan kakaiba ang lasa ng manok at buy-1-take-1 pa ang R20 na hamburger. Mayroon ding spaghetti at iba pang kakanin. Bilib sa idol "Natulala po ako talaga kay kuya Rico," pagtatapat ni Ahron. "Ako po siguro ang unang bumulong na turuan niya ako para magkaroon din, kahit paano ng maliit na negosyo." Sa ngayon kasi, wala pang project si Ahron matapos ang teleseryeng "Hiram." Meanwhile, nagsisipag siyang umikot sa iba't ibang food chain ni Rico. Ganoon din ang ginagawa ni Kiko, isa pang "TV Idol" winner. Nagkaroon din siya ng pagkaka-taong maging "manliligaw" ni Shaina Magdayao sa "Bida si Mister, Bida si Misis" sa isang episode nito. He's looking forward to joining the cast of "Ikaw ang Lahat sa Akin". Si JE naman ay nagkaroon na ng kanyang first movie, ang "Bikini Open" ng Seiko Films. Nagco-comedy naman si Mark para maiba sa mga kasama niya sa "TV Idols." Ang pinakamasuwerte raw sa kanila ay si AJ Dee. Bukod sa mayroon itong regular TV show at segment sa "The Buzz," paborito rin siyang modelo ng men's underwear. Katunayan, lagi itong nakikita sa nagla-lakihang billboards. Dahil dito, may sarili nang sasakyan at bahay si AJ. AJ has also his share of intrigues pero nagkikibit-balikat na lang siya. Source: Tempo |