Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'TV5, gagawing No. 1 ni Manny Pangilinan'

Author: Ian F. Farinas
Column: Big News

TIWALA ang Talentadong Pinoy resident judge na si Audie Gemora na kayang manatili ng TV5 show sa numero unong puwesto gaano man karami ang magsulputang kompetisyon sa ngayon.

Tinapatan na sila ng Pinoy Records ni Manny Pacquiao at Bitoy's Showtime ni Michael V sa GMA-7, malapit na ring mag-umpisa ang Pilipinas Got Talent nina Billy Crawford at Luis Manzano sa ABS-CBN.

Magkagayon man, confident pa rin si Audie na hindi sila kayang pataubin ng mga ito.

Sa presscon ng latest theater project niyang Sweeney Todd, kung saan title role ang ginagampanan ng seasoned actor, sinabi nitong mahihirapang makipagsabayan ang Pilipinas Got Talent dahil isa itong franchise.

"They have to stick to the format of the original show. Kami, we believe our format's good. We've no plans of changing it. Gagalingan lang siguro namin ang presentation ng talents. "

Malaking bagay din daw ang pagkakabili ng negosyanteng si Manny Pangilinan sa TV5 at ang pagdalaw nito sa istasyon earlier this week.

"Umpisa na 'yan," ani Audie, "kasi ang isang Manny Pangilinan, hindi bibili ng isang kumpanya na hindi niya gagawing number one. Lahat ng companies na tinake-over niya, from kulelat to number one. Ang PLDT, ang Piltel na naging Smart. Ngayon, ang mga hospital ang tine-take-over niya, Makati Medical which was in the red, Cardinal Santos.

"If you noticed now, eto na 'yon, to be honest, ang laro kasi sa TV, 'pag napapunta mo na ang tao sa isang show, dala na 'yung ibang shows.

"The fact that attracted sila sa Talentado (hosted by Ryan Agoncillo), the Saturday viewing, nabulabog ang ratings ng ibang shows including Maalaala Mo Kaya, naapektuhan ng Midnight DJ (ni Oyo Sotto), 'yung Who Wants to be a Millionaire (ni Vic Sotto), naapektuhan 'yung sa GMA naman.

"So, I suspect, it's not only to copy, but I think they need to put us down so that ma-save nila 'yung ibang shows. It's a strategy, ganu'n ang game, we have to accept that," mahabang paliwanag ni Audie.

Ang challenge lang daw sa kanila, with all the copycat shows, ay galingan pa lalo.

Dagdag niya, "Pero ako naman, I'm happy for talents who, otherwise, will have no opportunity sa labanan ng showbiz. Kasi ang labanan ng showbiz, you have to be young, not necessarily talented, but just young and good looking.

"So, kung hindi ka magpu-fall under that, wala ka nang chance.

Even if you're a fantastic singer, 'di ba, sa end of the day, sa singing contest, ang importante talaga ay looks or voice.

"That's why Charice (Pempengco) never won. That's why it was Sam Concepcion who won 'coz between the two of them, ang star quality nakay Sam. And it had to take her (Charice) to be recognized abroad for us to realize what a great talent that girl has, 'di ba?

"So, ang Talentado o ang mga talent show now open the doors to anybody. Kahit anong edad, kahit anong look, maging artista ka man o hindi, may chance ka.

"And I think that's the main attraction 'coz for the longest time, 'yung mga taong nanonood lang, parang outside looking in, parang, 'ay, magiging idol ko lang 'yan, pero ako, I'll never be. '

"Ngayon, they can do it. Puwede na silang sumikat o parang mag-earn ng pera. I realized that kahit saang sulok ng Pilipinas, may talent and hindi tayo mauubusan.

"What I'm about to say is ang good thing about all these other channels copying the talent show is mas maraming venue ngayon for talents to rise up.

"So, I think ang Pilipino, lalo na ngayon, lalong gagalingan 'yung pasttime. Kasi 'yung pasttime natin, kukuha tayo ng karaoke at kakanta tayo, right? So, ngayon, everybody has a chance to earn.

"Sa Talentado, if you get to the top eight, para lang maka-join sa show, that's an automatic P5,000 already. So, it's better than nandiyan ka lang sa barangay fiesta, 'di ba? Pati handicap, may chance. They never will have a chance sa showbiz. "

Kung ang Talentado ang kanyang bread and butter, ang teatro naman "is my art," ani Audie.

Kaya raw tinanggap niya ang alok ng Repertory Philippines na pangunahan ang Sweeney Todd, isang Tony award-winning musical na nagtatampok sa music at lyrics ng musical theater legend na si Stephen Sondheim at libro ni Hugh Wheeler.

Paghihiganti ang tema ng musical, na nakatakdang mag-run sa Onstage, 2nd Floor ng Greenbelt 1, mula November 14 hanggang December 13.

"Olympics ng mga musical," ang description ni Audie sa proyekto na mapapanood tuwing Biyernes at Sabado, 8 p. m. , at Sabado at Linggo, 3:30 p. m.

Kasama rin sa cast sina Menchu Lauchengco-Yulo, Robbie Guevara, Roger Chua, Lena McKenzie at Franco Laurel.

Para sa tikets, tumawag sa 887-0710 o 888-0887.

Source: People's Tonight