|
|
| Tagumpay ni Romy Garduce sa Mt. Everest, dasal ng Bataan!![]() Author: Jojo Gabinete PANAY ang pangungulit ng isang starlet sa kilalang talent manager na alagaan siya. Lately, nasasangkot sa mga kontrobersya (mostly cheap issues) ang starlet at �yon ang kanyang ginamit na dahilan para makumbinsi ang manager na i-manage ang showbiz career niya. Kailangan daw samantalahin ng manager ang pagkakataon habang pinag-uusapan ang mga isyu tungkol sa kanya (starlet). Wise ang talent manager. Beterano na siya sa showbiz kaya alam niya kung ilusyonada o hindi ang mga artista na lumalapit sa kanya para magpatulong. Besides, na-turn off nang husto ang manager sa starlet dahil sa text message na ipinadala sa kanya. Nagulat ang manager nang yayain siya ng starlet na magsugal sa casino. Dahil sa text message na natanggap, lalong nakumpirma ng talent manager na lulong sa casino ang starlet. Ano ang future na naghihintay sa isang sugalera? Mula noon, hindi na sinasagot ng talent manager ang phone calls at text messages ng aktres na starlet na starlet ang showbiz orientation. *** Town fiesta ng Balanga (Bataan) noong Biyernes at kabilang sina Jackie Rice, Marky Cielo, Inday Garutay, Chokoleit at Diana Zubiri sa mga inimbitahan para mag-perform ng dating sexy actor-turned-event organizer na si Jeffrey Gonzales. Bilib kami sa mga residente ng Balanga dahil kahit malakas ang ulan, hindi sila umalis sa town plaza para panoorin ang show. Awang-awa kami sa mga bata dahil madaling-araw na pero hindi sila umalis sa kanilang puwesto. Mainit ang pagtanggap nila sa mga bisitang artista na may mga dalang payong habang kumakanta sa stage dahil sa malakas na buhos ng ulan. Naging host ng show si Inday na maligaya na dahil tanggap na ng pamilya niya ang kanyang boyfriend. A few years back, nagpainterbyu sa TV ang kapatid ni Inday dahil malaki na raw ang ipinagbago ng comedian mula nang magkaroon ito ng boyfriend. All�s well that ends well. Magkasundo na si Inday at ang kanyang pamilya. Maganda rin daw ang takbo ng negosyo nila ng boyfriend niya, ang gym along Sta. Mesa na may pangalan na Muscle In Control. *** Nakasama namin sa Balanga ang aming mga kaibigan, ang mag-asawang Bong at Shirley Pizarro. Kapatid ni Bong ang Pilar (Bataan) town mayor na si Charlie Pizarro. Si Charlie ang nagmaneho ng sasakyan nang pumunta kami sa town hall ng Balanga. Siya rin ang nag-provide ng security para kay Diana at sa mga kasama nito. Nakalagay sa town plaza ng Balanga ang mga congratulatory streamer para kay Romi Garduce, ang Filipino mountain climber na susubok na marating ang tuktok ng Mt. Everest, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo. Nalaman namin mula kay Shirley na schoolmate nila si Romi at talagang hilig nito ang umakyat sa mga bundok. Hindi raw nag-asawa si Romy dahil sa sobrang passion nito sa mountain climbing. Napansin namin na Romy at hindi Romi ang nakasulat na pangalan ni Romy sa mga streamer na nakita namin. Ayon kay Shirley, Romeo ang tunay na pangalan ng mountain climber at Romy with letter Y ang spelling ng kanyang palayaw. Naging Romi with letter I ang nickname ni Romy nang lumuwas ito ng Maynila. Ipinagdarasal ng mga taga-Bataan ang kanilang kababayan. Umaasa sila na matutupad ang pangarap ni Romy na marating ang tuktok ng Mt. Everest. Hindi pa malinaw sa amin ang paraan ng coverage ng GMA 7 at ABS-CBN sa mga Pilipino na aakyat sa Mt. Everest. Paano nila makukunan ang bawat pangyayari? Mismong ang mountain climbers ba ang magdadala ng camera at magre-record ng kanilang activities hanggang marating nila ang peak ng Mt. Everest? At kung sila nga ang kukuha sa mga sarili, paano nila ipapasa sa TV crew na nagpunta sa Nepal ang mga tape na ipalalabas sa local TV station natin? *** Sina Carlos Morales at Sheree ang mga special guest bukas sa Bahay Mo Ba �To?. Dahil buwan na ng Mayo, may kinalaman sa pista ng Calle Silencio ang kuwento ng Bahay Mo Ba �To?. Nangutang pa si Nene (Ronaldo Valdez) sa kanyang kaibigan para may maihanda sa pista. Bumalik naman sa Pilipinas si Brian Manny (Carlos) ang ex-boyfriend ni Jingle (Francine Prieto). Gustong makipagbalikan ni Brian kay Jingle pero in love na in love ito kay Harold (Keempee de Leon). Hinamon ni Brian ng boxing si Harold. Sino ang mananalo sa laban nina Manny at Harold? Malaman kaya ni Jingle na asawa talaga ni Brian si Bona? *** Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com. Source: Abante |