|
|
| Tambalang Marian-Vhong, inaayos na![]() Author: Jojo Gabinete APAT na Biblical epic movies ng Hollywood ang kabilang sa listahan ng aming must-see movies ngayong Holy Week. Ang mga ito ay The Ten Commandments (1956), Ben-Hur (1959), Spartacus (1960) at The Greatest Story Ever Told (1965). May DVD copy kami ng The Ten Commandments na hindi nakakasawa na panoorin, kahit maraming beses na naming napanood. Kasama rin sa listahan ng must-see movies ngayong Holy Week ang The Passion of The Christ (2004) ni Mel Gibson. Number 10 ang pelikula ni Mel sa list of Top Ten Jesus movies. Kabilang sa talaan ang The Life and Passion of Jesus Christ, The King of Kings, The Gospel According to St. Matthew, The Greatest Story Ever Told, Godspell, The Messiah, Jesus of Nazareth, Jesus at The Miracle Worker. Si Vhong Navarro ang leading man ni Ma-rian Rivera sa next mo-vie niya sa Regal Entertainment, Inc. Ayaw sanang sabihin ni Marian ang pangalan ng aktor na kanyang makakapareha pero nakumbinsi siya ng press people na nakausap niya. “Meron po (pelikula) pero hindi yata pwedeng sabihin dahil wino-work out nila. Eh kasi po Regal (Films) at saka ang partner ko, nasa kabila. So, inaayos pa.” Sino kaya? “Secret po kasi wino-work out pa pero si Vhong Navarro (ang leading man). Kasi, comedy siya kaya sabi nila, huwag munang sabihin. “Sana po, matuloy para iba naman,” pahayag ni Marian na nalibang kaya hindi napansin na naibulgar din niya ang secret na kanyang sinasabi. Ikinuwento ni Marian na tiniyak sa kanya ng GMA management na pambata ang kanyang next TV show. Nabanggit din niya na matatapos sa Mayo 2009 ang primetime show nila ni Dingdong Dantes na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Marami ang kumukumbinsi kay Marian na tanggapin niya ang Darna kapag inialok ito sa kanya ng GMA 7 alang-alang sa mga batang tagahanga niya. Nagmumukha na kaming PR ng Kalooban Mo dahil inirerekomenda namin ito sa mga kakilala at kaibigan. Ang Kalooban Mo ang isa sa siyam na kanta sa Wings of the Soul, ang Volume 2 ng healing of pain and enlightenment CD album ni Lorna Tolentino. Hindi nakakasawang pakinggan ang inspirational song na inawit ni Lorna at composition ni Junji Marcelo. Inspired ng The Lord's Prayer ang beautifully-written song ni LT at madali itong matandaan dahil simple pero meaningful ang lyrics: Matagal na rin akong nagtatanong Kamoteng Kahoy ang pamagat ng pelikula na gagawin ni Maryo J. delos Reyes para sa Sine Direk. Sa presscon ng Sine Direk na dinaluhan ng kanyang mga kapwa direktor, ikinuwento ni Maryo ang excitement na nararamdaman dahil ngayon lamang sila magkakaroon ng movie project ng award-winning scriptwriter na si Ricky Lee. “Natutuwa ako dahil kasama ko si Ricky Lee sa proyektong ito. First time namin na magkakasama. Matagal kong pinangarap na makasama siya at natupad din. “Naglo-location hun-ting na kami. Ideally, this is supposed to be in Bohol but in terms of logistics, hindi talaga magagawa doon. “Secondly, hindi ko makukuha ang mga actor ko dahil hindi ko sila makikidnap.” Ang mga child star na sina Robert Villar at Nash Aguas ang mga aktor na tinutukoy ni Direk Maryo. Parehong talent ng direktor ang dalawang child star pero nahihirapan siya na kumuha ng schedule dahil kapwa busy sina Buboy at Nash sa TV show nila sa GMA 7 at ABS-CBN, res-pectively. Halaw sa tunay na pangyayari sa isang tragic incident sa Bohol noong Marso 2005 ang kuwento ng Kamoteng Kahoy. Twenty-seven grade school pupils ang namatay dahil sa pagkain ng maruya na hindi sinasad-yang nahaluan ng pesticide ng 67-year old vendor na si Anna Luyong. Malapit sa puso ni Direk Maryo ang Bohol dahil dito nagmula ang kanyang pamilya. Papunta siya sa Bohol nang araw na lumabas sa mga dyaryo ang balita tungkol sa mga bata na nalason ng maruya na gawa sa kamoteng kahoy. Na-depress si Direk Maryo sa balita na nabasa kaya kahit may plane ticket na siya, hindi niya itinuloy ang pag-uwi sa Bohol. Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com. Source: Abante |