|
|
| Tambalang balahura at balasubas!![]() Author: Alfie Lorenzo Kung titingnan mo, parang napakadali lang para kina Teresa Licaros at Maggie Wilson, kapwa mga beauty queen, na maging fit and fab. Pero, ayon mismo sa kanila, hindi ito automatic lang, dahil pinagtatrabahuhan nila ito. At gaya din ng ibang mga babae, meron din silang mga genuine concerns at mga ilang bagay na gusto sana nilang mabago sa kanilang katawan o sa kanilang buhay. At ito ang isa sa mga dahilan kung bakit bagay na bagay sina Teresa at Maggie para sa pinakabagong public affairs program ng Q-11 ang FIT and FAB -- isang health and wellness magazine program para sa mga kababaihan. Siksik ito sa mga pinakabagong information tungkol sa mga physical activities at fashion trends, mga beauty treatments, healthy recipes, at marami pang mga makakatulong sa pagkakaroon ng kagandahang panloob at panlabas. Sa bagong tv show na ito matututunan ng mga kababaihan ang mga possibilities, para maging fit, healthy, at fabulous at the same time. Holistic o pangkabuan ang approach ng show. Ang pagiging fit and fab ay parehong tungkol sa pagkakaroon sa healthy outlook sa buhay at pagkakaroon ng healthy na pangangatawan, ayon kay Maggie, ang Filipino-British beauty queen, actress, VJ, at model. Ang mga segment na tulad ng Let's Get Physical, Bring Out Your Fab Side, at Fit to Eat, ay nais maghikayat sa mga manonood na maging adventurous. Isa sa mga goal ng show ay magbigay ng empowerment para sa mga kababaihan, ayon kay Teresa, ang beauty queen na nagtapos na summa cum laude sa University of the Philippines kamakailan at ngayon ay isang law student. Go for it, 'ika nga. Gaya na lang ng FIT and FAB segment na Let's Get Physical kung saan mapapanood sina Maggie at Teresa habang sumusubok ng iba't ibang sports at physical activities. Walang duda na sila ay isang phenomenon sa radio. Kakaiba ang kanilang mga hirit at talaga namang gugulong ka sa kakatawa. Sila ay sina Nicole Hyala at Chris Tsuper na mas kilala bilang Tambalang Balahura at Balasubas ng Love Radio 90.7 FM. Dahil sa kanilang 'di mapantayang kasikatan ay naisipan ng Ivory Music and Video na gawan sila ng album na Hey Tambalan Na! D' Nakakalurkei Na Album. Ang album na ito'y may labindalawang kanta na pinangungunahan ng hit single na Biyaheng Jeepney. Ang iba pang kanta na siguradong magpapatawa din sa inyo ay may pamagat na Tambalan, Shalala, Ka-Chervahan, at Nakakalurkei. Kasalukuyang nagpro-promote ng album sina Nicole at Chris at ang title ng latest single nila ay Jowadik na siguradong nakakalurkei (nakakaloka) na naman! Magkakaroon ng mall tour Ang Tambalang Balahura at Balasubas upang lalo pang aliwin ang kanilang mga tagahanga at tagasubaybay sa radio. Ngayong hapon ay nasa Robinsons Imus sila, at sa April 11 sa SM Pampanga, April 12 sa Tutuban Mall, April 13 sa SM Bacoor, April 20 sa SM Dasmariñas, April 25 sa Robinsons Metro East, April 26 sa SM Molino, April 27 sa SM Muntinlupa, May 18 sa Robinsons Novaliches at June 14 sa Robinsons Manila. Sa naturang mall tour ay magpapakitang-gilas sina Nicole at Chris sa pagkanta nila ng ilang awitin mula sa kanilang album. Ang Hey Tambalan Na! D'Nakakalurkei! Na album ay available na sa lahat ng record outlets nationwide. “Piraters and downloaders beware!” sey ni Nicole Hyala, “Ang mamirata at mag-download, mababaog!” . Source: Abante |