Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Tanong kung posibleng ma-inlab siya kay Rhian, dinedma ni Dingdong

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

PARA kay Dingdong Dantes, "perfect" si Rhian Ramos sa role ni Jodi sa Stairway to Heaven and "she brings life to the character. "

Pareho raw silang kinakabahan at napi-pressure sa premiere nito sa September 14, ka-back-to-back ng Darna.

Pressure at responsibilidad kay Dingdong na bigyang buhay ang karakter ni Cholo na minahal ng Filipino viewers at sa series na number one nu'ng ipalabas.

Kung bibigyan sila ng chance ng viewers, aalagaan nila ang tiwalang ibibigay sa kanila sa pagtutok sa STH.

Maganda ang sagot ni Dingdong sa tanong kung ano ang physical attraction ng actress sa kanya?

"Kung paano niya dalhin ang sarili niya and how she glides. Hindi siya lumalakad, she glides," ulit ni Dingdong to be sure na narinig namin ang kanyang sinabi.

Sa tanong kung posib-le siyang ma-in-love kay Rhian habang ginagawa nila ang Stairway..., ang sagot ay "'pag nagre-report siya sa taping, si Jodi na siya and I admire her for that. "

Hindi sinagot ni Ding-dong ang tanong, 'no!

Si Regine Velasquez ang kumanta ng theme song na Pag-ibig Ko Sana'y Mapansin, na kinanta nito sa presscon at sina Joyce Bernal at Andoy Ranay ang directors ng series.

Masaya pala ang staff at cast dahil nasunod ang gusto nilang mag-carousel at grand piano sa presscon, kaya pati press enjoy sa kodakan.

* * *

SA presscon pa lang ng Calayan Surgicenter, ibinalita na ni Sunshine Dizon na gagawin niya ang remake ng Tinik sa Dibdib ni Nora Aunor.

Honored ang dalaga to be given another chance na i-remake ang isa sa magandang pelikula ng superstar (una na niyang ginawa ang Bakekang) at natuwa sa nalamang susuportahan ng Noranians ang bago niyang soap.

Kahapon ginawa ang pictorial ng cast ng Tinik sa Dibdib kabilang sina Marvin Agustin, Michelle Madrigal, Ara Mina, Joel Torre at iba pa.

Sa Friday, September 11, ang first taping day ni Direk Gil Tejada.

Tuloy na rin ang paggawa ng pelikula ni Sunshine sa GMA Films at Reality Films to be directed by Eric Matti.

Babang Luksa ang title ng horror movie na tatampukan dapat nina Jennylyn Mercado at Mark Herras, pero nakatakdang pumirma ni Jennylyn sa Viva Artists Agency, matuloy pa kaya siya sa nasabing project?

* * *

MAY special treat ang Bamboo sa manonood ng Bamboo Live @ Skydome sa September 12, 8 p. m.

Pangungunahan ni Bamboo Mañalac ang concert na produced ng Viva Concerts & Events, kasama sina Ira Cruz (guitar), Nathan Azarcon (bass) at Vic Mercado (drums).

Mag-i-enjoy ang audience sa inihandang repertoire ng banda kabilang ang hit songs nila, cover version ng songs ng ibang banda at ilang cuts sa bago nilang album under Polyeast-EMI na Tomorrow Becomes Yesterday kasama ang carrier single na Kailan.

Ang Bamboo Live @ Skydome is presented by Tanduay, People's Journal, Viva Prime, Viva Cinema, Philippine Star at Manila Bulletin.

* * *

HANDOG ng TV5 sa mga Pinoy ang isang one-hour docu special titled Paalam, Cory bilang tribute kay former President Cory Aqui-no na ikinu-commemorate ngayong araw ang ika-40 days mula nang siya'y pumanaw.

Mapapanood ang docu-special at 8 tonight sa TV5.

Ang respected journalist na si Conrado de Quiros at newscaster na si Cheri Mercado ang hosts ng docu-special, kung saan ipakikita ang isip, puso at karakter ni Pres. Cory, na nagbalik sa bansa ng kalayaan at demokrasya.

Source: People's Tonight