Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Taong nagpasikat kay Nora, lumutang

PARA sa diehard Noranians, hindi lang ang pagka-absuwelto ng superstar sa drug case sa U. S. ang dapat ipagbunyi, kundi ang muling paglutang ng isang taong responsable sa pagkakaroon natin ng isang Nora Aunor. Lingid sa kaaalaman ng marami, lalo na sa...

 

Taong nagpasikat kay Nora, lumutang

Column: Showbiz Power
Author: Mar D' Guzman Cruz

PARA sa diehard Noranians, hindi lang ang pagka-absuwelto ng superstar sa drug case sa U. S. ang dapat ipagbunyi, kundi ang muling paglutang ng isang taong responsable sa pagkakaroon natin ng isang Nora Aunor.

Lingid sa kaaalaman ng marami, lalo na sa mga ang kabataan ngayon, si Nora ay isang Villamayor, hango sa pangalan ng tunay na inang si Mamay Tunying.

Ang lumikha ng apelyidong Aunor ay si Mamay Belen, kapatid ni Mamay Tunying.
Ang asawa ni Mamay Belen ay isang sarhento ng Air Force, na kilala lamang namin sa pangalang Sgt. Aunor.

Nang ilahok si Nora ni Mamay Belen sa Tawag ng Tanghalan, nasa Bicol pa si Mamay Tunying. Si Mamay Belen ang tumayong nanay-nanayan ni Nora hanggang sa magwagi nga ito sa nasabing timpalak.

Lumuwas lamang ng Maynila si Mamay Tunying nang kailanganin na ni Mamay Belen ang legal matters tungkol sa mga kontratang lalagdaan, una na rito kay Dr. Jose Perez para sa pelikula.

Kung hindi kami nagkakamali, si Doc Perez ang nagbinyag kay Nora ng pangalang "Guy. "

Tandang-tanda namin, sabi ni Mamay Tunying sa amin, wala siyang kilalang "Guy. " 'Di niya batid na palayaw lang 'yon ng kanyang anak.

Nagkaroon pa nga ng intriga noon sa pagitan ng magkapatid na Mamay Tunying at Mamay Belen.

Si Mamay Belen daw ang nagsaing at si Mamay Tunying ang kumain, isang bagay na hindi naman pinatulan ng magkapatid.

Mula noon, unti-unti nang nawala sa eksena si Mamay Belen. Kumbaga, ipinaubaya na niya kay Mamay Tunying ang mga desisyon sa career ng anak.

Si Mamay Belen naman, 'di na nakialam.

Nasa kasagsagan ang kasikatan si Nora nang unti-unting binildap ni Mamay Belen ang anak na si Maribel Aunor, mas nakilala naman sa taguring Lala Aunor.

Hindi naging mahirap kay Mamay Belen na pasikatin si Lala. Dikasi nga, kumbaga, may hakot na kaagad na fans mula sa kampo ng Noranians at magaling din naman itong kumanta at may taglay ding karisma.

Pero 'di naabot ni Lala ang kasikatang tulad ng sa pinsang si Guy.

Gayunman, lumikha ito ng malaking pangalan dahil napabilang ito sa tinaguriang "Apat na Sikat," katambal si Arnold Gamboa.

Ang dalawa pang miyembro nito'y sina Winnie Santos (nakababatang kapatid ni Vilma Santos) at Bong Morales.

Nasa kainitan pa rin ang popularidad ni Guy nang pumanaw ang inang si Mamay Tunying.

Sa lamay namin huling nakausap si Mamay Belen.

Bakit namin hinalukay ang maikling kaalaman tungkol kay Mamay Belen? Sino ba sa henerasyong ito ang nakakikilala pa kay Mamay Belen?

Bayaan po n'yong saluduhan namin si Mamay Belen dahil sa kanyang kadakilaan.

Si Mamay Belen ang nagpasimula sa career ng Superstar. Kung ilang ulit nagpasirku-sirko ang career nito at ang pinakahuli ay ang dilemang dinanas niya sa Amerika.

Sa kabutihang palad, naabsuwelto siya.

Sino ang nakita natin sa telebisyon nang ihayag ng korte ang pagbasura sa kaso laban sa superstar?

Iyon pong nasa medyo malabo nang background habang hinahalikan ni Guy ang kanyang abogado ay walang iba kundi si Mamay Belen.

Ibig sabihin, wala tayong kaalam-alam, nang kasalukuyan palang nagdurusa ang Superstar, ang nagpasimula ng kanyang career ay nasa piling niya.

(For comments & suggestions, send e-mail at mardgcruz2004@yahoo. com)

Source: Taliba