Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Tapatan: Survivor Philippines vs. Fear Factor

Author: Nitz Miralles

IPINAKIKITA na ng GMA-7 ang plugging ng Survivor Philippines at sinasabing dumating na sa bansa ang biggest reality show worldwide.

Sa website ng network, naka-announce ang audition dates at kung anong klase ng contestants ang kanilang hinahanap.

Dapat 18 to 60 years old, physically fit at kaya ang intense mental and physical challenges for 39 days sa mapipiling location.

Sixteen castaway ang hinahanap at kung feel n'yong maging 1st Pinoy Survivor Phil. , mag-audition na. Log on to http://www. gmanewstv/show/Survivor for more details sa audition schedules.

Wala pang ina-announce na host ang Survivor Philippines at kanya-kanyang suggestion ang viewers. Mayroong gusto si Drew Arellano, may pumili kay Chris Tiu, at marami ang may gusto kay Paolo Bediones. Nang makausap ang huli, wala pa raw bagong offer sa kanya ang Siyete gayung magtatapos na sa May ang Tok, Tok, Tok, pero ibabalik daw sa September.

So, after TTT, wala pang gagawin si Paolo, hindi kaya nire-ready siya para sa Survivor Philippines? Ang balita pa namin, ang News and Public Affairs ng Channel 7 ang hahawak nito, ganu'ndin ang Extra Challenge noon, na si Paolo rin ang naging host.

* * *

Nagtatanong ang Kapuso fans kung ano ang ipantatapat ng ABS-CBN sa Survivor Philippines.

Well, nabalitaan naming ang Kapamilya Channel naman ang nakakuha ng rights ng Fear Factor.

Maganda sanang pagtapatin ang Pinoy version ng Survivor at Fear Factor, pero parang mauuna ang Survivor Philippines, dahil wala pang plugging ang Channel 2 at 'di pa naghahanap ng contestants.

Ang tsika, nag-i-scout na ng maghu-host sa Fear Factor Philippines at may names na raw na isinabmit. Hintayin natin ang official announcement ng Dos sa pagkakakuha nila sa rights ng reality show at kung kailan ito sisimulan.

* * *

Nakabalik na pala mula sa Italy, sa shooting ng I. T. A. L. Y. o I Trust and Love You si Rufa Mae Quinto last Saturday at kinabukasan, nasa SOP na at may time pang mag-aral ng sayaw sa production number ng cast ng Manay Po 2: Overload.

Tamang-tama ang dating nito't nag-email sa amin ng pictures sa shooting ng GMA Films movie si Noel Ferrer.

Kuha sa Venice, Italy, ang pictures ni Jolina Magdangal, pati ang kasama ang nobyong si Bebong Muñoz, at sa cruise ship na Costa Magica naman ang litrato ni Rufa Mae with Jolina, Rhian Ramos at Eugene Domingo.

Bukas pa raw ang balik nina Jolina at sina Dennis Trillo at manager na si Popoy Caritativo, sa April 18.

Hihintayin namin ang kuwento ni Jolina sa shooting at sa kanya namin kukumpirmahin kung totoong may cameo role ang BF niya sa movie as her leading man.

Totoo rin kayang sa travel insurance ni Bebong, hindi name ng parents nito at hindi rin si Jolina ang nailagay na beneficiary, kung 'di si Joey Abacan?

Nalito raw si Bebong, kaya name ng GMA Films executive ang naisulat. Har-har-har!

* * *

Exciting ang Monday episode ng Babangon Ako't Dudurugin Kita dahil for the first time, magku-krus ang landas ng mag-inang Evita (Dina Bonnevie) at Salve (Yasmien Kurdi) sa ospital, pero hindi nila makikilala ang isa't isa, kahit nakaramdam ng lukso ng dugo si Evita.

Kasal nina Julie (Diana Zubiri) at Tyrone (Paolo Contis) at malalaman kung matutuloy ang kasal ng dalawa.

Sa mga naghihintay nang pagkikita nina Salve at Derek (JC de Vera), 'wag mainip at malapit nang magkita ang dalawa.

* * *

Natawa kami habang ikinukuwento ni Louie Heredia ang pagkadapa habang nagpo-promote ng Greatest Hits of the '80s concert nila nina Randy Santiago, Gino Padilla at Raymond Lauchengco sa Wowowee last Saturday.

Sumabit ang sapatos niya sa stage at 'yun, nadapa na siya, na napanood pati ng TFC viewers.

Ang daming nag-text kay Louie para kantiyawan siya at 'yung iba'y nagtanong kung gimik para sa concert ang nangyari sa kanya.

Balik-TV appearance pa naman ng singer at nabulilyaso agad. Kunwari, hindi siya nasaktan, tumayo't all-out pa sa pagkanta.

After their number lang nito nalamang nasugatan siya sa tuhod.

Anyway, produced ito ng Viva Concerts at gagawin sa Music Museum sa May 16 and 17.

Sana, hindi na madapa si Louie!

Source: People's Tonight