Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Taping nina Heart, Mark Anthony ginugulo ng engkanto

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

EVELATION ang pag-amin mismo ni Yasmien Kurdi na naging mag-MU sila ni Dion Ignacio.

Panahon ito ng Starstruck Batch 1.

Noon ay teenager pa si Yasmien at madaling nahulog ang loob kay Dion.

Nang pinag-partner na silang dalawa ni Dion sa bagong sinenobela ng GMA 7 na Saan Darating ang Umaga?, madali nang nakapag-adjust si Yasmien sa leading man niya.

Si Yasmien ang mag-aakyat kay Dion bilang bagong leading man ng GMA.

Nakatulong si Yasmien kay JC de Vera at ganu’n din ang gagawin niya kay Dion.

Para sa GMA, long over due na para bigyan ng big break si Dion.

Tapos na ang period na kaibigan siya ng bida.

Dapat ay siya na ang maging bida ngayon.

Ang Saan Darating ang Umaga? ay sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes at magsisimulang ipalabas sa Nov. 10 sa Dramarama ng GMA.

* * *

NASA ikaapat na araw na ang taping ng Luna Mystica.

Ayon sa program manager nitong si Rams David, madalas humihinto ang kanilang generator sa taping at minsan ay biglang hindi na lang ito nagpa-function.

Sa gubat ng Morong, Rizal sila nagti-taping at ang posible raw may mga nagambala silang engkanto kaya nagkakaaberya.

Nag-alay ng dasal ang production staff sa lugar ng taping. Nagpatulo rin sila ng dugo ng manok bilang alay sa mga engkanto. After that, naging smooth na raw ang taping nila.

Bida sa Luna Mystica sina Mark Anthony Fernandez at Heart Evangelista.

* * *

BUKOD sa two weeks episode sa Dear Friend ng dating magsyotang sina Jennylyn Mercadoa at Mark Herras, magsisimula na rin silang dalawa ngayong November ng bagong soap na may titulong Tinik sa Dibdib.

Excited si Mark sa muli nilang pagtatambal sa soap ni Jen. Ang huli kasi nilang pinagsamahan ay sa Super Noypi pa ng Regal Films two years ago.

Sa first kissing scene nila sa Dear Friend, na naipalabas last Sunday ay medyo nagkakailangan pa ang dalawa. Kung magkakabalikan silang dalawa, hindi ma-kapagsalita ng tapos si Mark.

“Mature na kami pareho, hindi na kami parehong makulit ngayon,” wika pa ni Mark.

Sa pagkakaalam namin, next year pa pabibinyagan ni Jen ang kanyang baby boy.

Mas binibinigyang-pansin ni Jen ngayon ang pang-araw-araw na pangangailangan ng bata.

* * *

GULAT kami nang ma-interview namin si Nikki Dacullo, ang cast-off ng Survivor Philippines last Friday. Ipinagtapat nito na siya’y nagkaroon na ng six serious relationship sa guy.

Hindi rin daw uso sa kanya ang one night stand.

Nakatutok ang isip ngayon ni Nikki sa showbiz. Co-host siya ngayon ni Drew Arellano sa isang segment ng Unang Hirit.

Bago nag-audition si Nikki sa Survivor Philippines, siya’y third year nursing student na. Nag-stop lang siya nang makapasok sa contest.

* * *

Tutok na gabi-gabi sa 5MAX ng TV5 ganap na 8 p. m.

Iba’t ibang movies ang mapapanood dito.

Ngayong Miyerku-les, mapapanood ang American Dreamz.

Sa Nov. 8 ay mapapanood naman si Angelica Panganiban sa pelikulang Santa Santita.

Source: Taliba