Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

''Tay, sorry. Hindi ako survivor'

Author: Ogie Diaz

Binangungot ba talaga o nagbigti?

Actually, palaisipan din sa amin ang pagkamatay ni Marky Cielo. May nagkuwento sa amin na diumano'y "nagbigti" si Marky, dahil hindi na raw nito kayang solusyunan ang matinding problema.

Ni hindi raw nito naikuwento sa ina ang matinding problema, bagkus, inamin lang daw ni Mark sa ina na meron siyang matinding problema.

At ang madir, pinayuhan ang anak na matapang na harapin ang problema, lalo pa't lalaki siya.

Pagkatapos mag-almusal, nagtungo umano sa kanyang kuwarto si Marky. After an hour, pag-check ng ina, nakahandusay na ang walang buhay na katawan ni Marky.

Meron pa umanong text message si Marky sa kanyang cellphone na hindi niya nai-send agad at ito'y nasa "draft folder. "

'Yun daw ay para sa tumatayong manager na si Rommel Gacho. Ito raw more or less ang nilalaman ng mensahe: "'Tay, sorry. Hindi ako survivor. "

* * *

Sa tono lang ng pananalita ni Karylle, mararamdaman mong may breeding ang anak ni Zsa Zsa Padilla.

Sa kanilang nakaraang relasyon ni Dingdong Dantes, hindi namin siya naringgang tinarayan si Dingdong o ang nali-link ditong si Marian Rivera.

Pormal na winelkam si Karylle bilang Kapamilya. Lalabas na siya sa ASAP '08, kung saan kaabang-abang ang duet nilang mag-ina.

Nakatakda rin siyang gumanap na kaibigan ni Kristine Hermosa sa Maruja, kung saan eventually ay makakalaban siya ng bida.

Kahit hindi banggitin ng mga reporter sa kanilang tanong ang pangalan nina Dingdong at Marian, aware si Karylle na ang dalawa ang itinatanong sa kanya, pero ito'y nasasagot niya ng pang-Ms. U at punumpuno ng breeding at walang trace ng pagka-jologs.

* * *

Kahit pa it's her loss and Ogie Alcasid's gain, nagawa pa ring i-promote ni Eugene Domingo ang Desperadas 2 nu'ng mag-guest siya sa The Buzz nu'ng Sunday para i-promote ang critically acclaimed 100 at filmfest entry ni Ai-Ai de las Alas na"Ang Tanging Ina N'yong Lahat.

Matatandaang biglang nag-back-out ang kampo ni Eugene sa Desperadas 2, na lumikha ng ingay nu'ng palitan siya ni Ogie na babae ang role sa naturang filmfest entry ng Regal Entertainment.

Sa kulay ni Ogie na parang si "Cofradia," bagay nga ang pangalan niya sa movie bilang si Luga Luda, ang nawawalang kapatid nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado at Marian Rivera.

Prinsesa si Ogie, este, si Luga sa kanilang tribu, kaya pabulosa ang ayos at pananamit at hindi nagpatalbog sa ibang female lead.

Ang ipinagkaiba lang niya sa half-sisters ay boses-lalaki siya at kung magsalita ay parang nagso-short-cut sa pagte-text.

'Kalokah, at may kissing scene pa sila ng Be Bench winner na si Carlo Guevarra, kaya nga inggit na inggit daw ang mga bading dito sa aming tukayo na kasing-height at ka-fez daw namin, hehehe.

Why not?

* * *

Sulit ang pagtungo sa presscon ng Baler ng mga reporter, dahil kahit traffic at wala sa sentro ng events sa showbiz ang venue ay keri lang, at least, 'yung ibang hindi nagtutungo ng sa office ng Pagcor sa Hyatt Hotel ay nakarating, 'di ba?

At walang press na umuwing luhaan. Gandang-ganda pa ang lahat sa full trailer ng Baler nina Jericho Rosales at Anne Curtis.

May karapatan ngang "magmaldita" ang movie sa filmfest, dahil P100 million lang naman ang puhunan ng Viva Films at Bida Productions.

May nagtanong ngang isang reporter, "Ba't ang lakas ng loob nilang isugal ang P100 million, eh, ang dami-rami nilang magkakalaban sa filmfest? Mabawi kaya 'yon?"

Aba'y bakit naman hindi kung napakaganda naman ng pagkakagawa at ng istorya at direksiyon ni Mark Meily. Ang effective na makakapag-promote niyan ay ang mga nakapanood na, kaya, ba't hindi bigyan ng chance na panoorin sa filmfest, 'di ba?

Source: People's Tonight